top of page

'Double kill'! CELESTE, TALUNAN NA SA MISS UNIVERSE, NILAIT PA NG MGA NETIZENS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 18, 2023
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | January 18, 2023




Marami ngayon ang nagtuturuan-nagsisisihan sa pagkakaligwak ni Celeste Cortesi sa Ms. Universe 2022 beauty pageant.


Marami raw kasi ang nakialam at nagbigay ng maling advise kay Celeste. Marami ang nagmarunong at pati ang isusuot na national costume ay naging minus factor sa halip na makatulong.


At dahil sa maingay nga sa social media ang pagkakampanya kay Celeste Cortesi, nasobrahan sa confidence at expectation ang mga tao sa paligid niya. Na-overkill ang pagpo-promote sa kanya.


Kaya ang ending, ni hindi siya nakapasok sa Top 16 at walang naiuwing special award. Naging “Thank You Girl” siya at umuwing luhaan.


Ang tanging konsuwelo na lamang natin ay may dugong Pinoy ang Ms. USA na si R'Bonney Gabriel, ang nanalong Ms. Universe 2022.


May ilang netizens din ang nagsabing chaka ang mga gowns na isinuot ni Celeste Cortesi kaya hindi lumutang ang kanyang ganda. May ilan namang nagsasabing kapos sa X factor si Celeste at hindi impressive ang sagot sa closed-door interview sa preliminary competition ng Miss Universe.


At hindi rin na-impressed ang mga judges sa kanyang advocacy na Save The Children of The Phils.


Ganunpaman, may mga nagmamalasakit kay Celeste at nagsabing hindi pa naman katapusan ng kanyang career kahit na Thank You Girl siya at laglag sa Top 16. Si Rabiya Mateo nga, Top 21 nang sumali sa Ms. U, but still, may showbiz career pa rin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page