top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

DOTr, MIAA at CAAP OFF'CLS, bago pa bumingo sa kapalpakan, sibakin na!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 3, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 3, 2023



DAPAT SIBAKIN NI P-BBM MGA PALPAK NA SINA DOTr SEC. BAUTISTA, MIAA GM TUGADE AT CAAP DG TAMAYO—Naka-strike 2 na sa kapalpakan ang Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), kaya libu-libong pasahero ang na-stranded sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) at iba pang paliparan sa Pilipinas.


Unang kapalpakan ay noong magkaroon ng technical problem ang CAAP noong Enero 1, 2023, kung saan libu-libong pasahero ng mga eroplano ang na-stranded sa mga paliparan, at ang ikalawang kapalpakan ay nang magka-brownout sa NAIA, noong Mayo 1, 2023, at libu-libong pasahero na naman ang na-stranded.


Sana, huwag nang hintayin pa ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na magka-strike 3 ang kapalpakan, dapat sibakin na agad niya sa puwesto sina DOTr Sec. Jaime Bautista, MIAA General Manager Jay Art Tugade at CAAP Director General Manuel Tamayo, period!


◘◘◘


ILANG OFWs SA SUDAN, TANGGAP NANG MAMAMATAY SA GIYERA, ‘WAG LANG MAMATAY SA GUTOM SA ‘PINAS—Kung may mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Sudan na gustong umuwi ng Pilipinas, mayroon namang ayaw umalis kahit may nagaganap na civil war sa bansang ito. Ang dahilan ng mga Pinoy workers, ayaw daw nilang magutom ang kanilang mga pamilya dahil mahirap daw maghanap ng trabaho sa ‘Pinas.


Parang sinabi na rin ng mga OFWs sa Sudan na okey lang sa kanila na mamatay sa civil war kaysa mamatay sa gutom ang kanilang mga pamilya, boom!


◘◘◘


KAKATAPOS LANG NG BAD NEWS NA TAAS-SINGIL SA KURYENTE, MAY BAD NEWS NA NAMAN NA TAAS-PRESYO SA LPG—Inanunsyo ng mga oil companies na magpapatupad daw sila ng taas-singil sa presyo ng kada tangke ng liquefied petroleum gas (LPG).


Hay naku, puro bad news na lang nababalita sa ‘Pinas dahil kakaanunsyo ng Meralco at iba pang electric cooperative na magtataas sila ng singil sa konsumo sa kuryente, pero sinundan agad ng pagtaas ng presyo ng LPG, tsk!


◘◘◘


SIGAW NG MGA MANGGAGAWA, DAGDAG-SUWELDO, PERO ANG GINAWA NI P-BBM, SAKAY-EROPLANO SABAY LIPAD PATUNGONG TATE—Sa Araw ng Paggawa o Labor Day, nanawagan ang mga manggagawa sa Marcos administration na dagdagan naman ang kanilang suweldo dahil hindi na sapat ang kanilang kinikita sa sobrang taas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.


Imbes na pakingggan ang hinaing ng mga manggagawa, ang ginawa ni P-BBM ay sumakay ng eroplano at lumipad patungong Amerika dahil in-invite raw siya ni United States Pres. Joe Biden sa Tate, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page