top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

DOTr, hatid ang libreng bike rack para sa mga nagbibisikleta papasok ng opisina

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 22, 2020
  • 1 min read

ni Thea Janica Teh | July 22, 2020




Isa ang pagbibisikleta sa mga paraan ng transportasyon ngayong pandemiya para maiwasan ang dagsa ng tao sa mga public transportation. Ito rin ay hindi lang nakatutulong para maisagawa ang social distancing, kundi nakatutulong din ito sa ating kalusugan.

Kaya naman, para makatulong sa mga cyclist ay naglagay ng bike racks ang Department of Transportation sa Metro Rail Transit line-3 (MRT-3) at Light Rail Transit Line 1 at 2 (LRT-1 & 2) simula July 22 upang masiguro na hindi mawawala ang mga bisikleta kahit iwan ito dito.

Paalala mga bes, ito ay libre kaya naman wala tayong dapat ipag-alala sa babayaran.

Ito ay matatagpuan sa ilang train station tulad ng LRT-1 (Central, Libertad, EDSA Taft, Baclaran); LRT-2 (Legarda, Pureza, V. Mapa, J. Ruiz, Gilmore, Betty-Go Belmonte); MRT-3 (North Avenue, Quezon Avenue, GMA Kamuning north bound side) at PNR (Tutuban).

Kahit anong oras ay maaaring ilagay ng mga cyclist ang kanilang bisikleta bago sumakay ng tren. Paalala lamang na magdala ng sariling padlock.

Maaari nating iwan an gating bisikleta mula 5:00am-8:00pm at maaari natin itong makuha hanggang 10:00pm. Paalala ng DOTr, kung hindi ito makuha matapos ang 10:00pm ay hindi na ito liable kung mawala man ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page