top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

DonBelle, nasasapawan na... MARIS, PALIT KINA TONI AT ANGELICA, BAGONG ROM-COM QUEEN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 4, 2024
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | January 4, 2023




Mabenta nga ngayon sa masa ang pangalan ni Maris Racal dahil sa kanyang karakter bilang si Irene sa palabas na 'Can't Buy Me Love'.


Hindi nga nakaligtas sa madlang pipol ang galing nito sa timing na magbitiw ng mga nakakatawang linya kasama ang kapareha nitong si Anthony Jennings.


May banat pa nga ang netizens na nasasapawan na nila ang main love team ng series na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.


Isa rin ito sa rason kung bakit nag-viral ang video ni John "Sweet" Lapus kung saan tinawag nitong Rom-Com Princess ang aktres sa isang panayam nu'ng April 2023 para sa TV series na ‘How To Move On in 30 Days’.


Sey ni Lapus, mahusay raw talaga sa pagganap si Maris at ngayong ina na raw si Angelica Panganiban at retired na technically ang isang Toni Gonzaga, sure na sure siyang magiging Rom-Com Queen ito pagtagal-tagal.


Dagdag ni Lapus, “Siya talaga ‘yung rom-com [na aktres]. Siya ‘yung Regine Velasquez nu'ng araw, na naging Toni Gonzaga, na naging Angelica Panganiban. It’s Maris Racal’s time to shine.”


Maraming agree sa sinabing ito ni Sweet dahil deserve na deserve naman talaga ng Kapamilya actress ang spotlight na kanyang nakukuha.


Inaabangan naman ngayon ng madla kung anong magiging future projects para kina Maris at kay Anthony.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page