top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Domino effect ng Ukraine-Russia war, ramdam na ramdam

BULGAR
May 20, 2022
1 min read

ni Ryan Sison - @Boses | May 20, 2022


Nagbigay-babala ang Department of Agriculture (DA) sa nakaambang krisis sa pagkain dahil sa COVID-19 pandemic at giyera sa Ukraine.


Ayon sa kagawaran, mahigpit na binabantayan ang napipintong food crisis sa mundo, na epekto rin ng pagtaas ng produktong petrolyo.


Gayunman, tiniyak ng DA na may plano ang kagawaran para matugunan ang nagbabantang food crisis, ngunit binigyang-diin na kailangang magdoble-kayod ng gobyerno para mapataas ang produksyon ng agrikultura.


Kabilang na rito ang hiling na karagdagang pondo para sa Plant-Plant-Plant program, na naglalayong mabigyan ng fertilizer subsidy ang mga magsasaka at para mapalakas ang kanilang food production.


Posible umanong maramdaman ang food crisis sa ikalawang semester ng taon, kaya hinimok ng DA na dapat maging handa ang lahat.


Ramdam na ramdam natin ang domino effect ng giyera sa Ukraine at Russia. Mula sa pagtaas ng presyo ng petrolyo hanggang sa pagtaas ng presyo ng ilang bilihin at ngayon, may nagbabanta pang krisis sa pagkain.


Siguro nga, panahon na para lalo pang suportahan ang mga lokal na magsasaka para mapalakas ang produksyon ng kanilang mga produkto.


Sana’y matupad ang mga plano dahil maraming umaasa rito — hindi lamang mga magsasaka kundi ang taumbayan.


Isa pang sana, sana’y sapat ang babala ng mga kinauukulan para lubos na mapaghandaan ang krisis.


Ayaw nating dumating ang punto na saka lamang tayo kikilos ‘pag marami nang apektado ng problema.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page