top of page

DOMINIC, GINAGAMIT LANG DAW SI KATHRYN, NAIMBIYERNA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 14, 2024
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 14, 2024



Showbiz News

Inalmahan ni Dominic Roque ang isang basher na inaakusahan siyang ginagamit niya si Kathryn Bernardo.


Sa kanyang Instagram (IG) account ay nag-post ang dating aktor ng ilang mga larawan kabilang na ang naging ganap noong kanyang kaarawan last July.

Caption niya, “Snaps from mah phone… (hand sign emoji) #Hulyo.”


Sa isang picture ay makikita silang magkatabi ni Kathryn Bernardo sa isang table.

Isang netizen ang nagkomento ng “September na uy! Hayss gamit na gamit naman si Kathryn sa mga paganyan mo. Napakasipsip talaga. Masyado ka ng obvious, Bro.”


Hindi ito pinalampas ni Dominic at halatang imbiyerna siya sa kanyang sagot.


“Bakit po ba pinapakailaman mo ang post ko? Kung ayaw n’yo po, ‘wag ka rito, mga kaibigan, pamilya etc pinopost pinapakailaman. Walang ginagamit dito, walang gamitan, magkakaibigan. Tapos,” reply ng ex-fiance ni Bea Alonzo.


Sa ngayon ay hindi na makita ang komento ng basher at ang sagot niya pero nakunan naman ito ng screenshot ng ilang netizens at ipinost nila sa kanilang social media account.


Marami naman ang nagtanggol kay Dominic. Ani ng isang netizen, “Gone are the days when Dom could freely and randomly post ng solo pictures ni Kath sa feed n’ya without these crazy people thinking any other things about it.”


Sinagot din ito ni Dominic. 


Sey ni Dom, “Kasi iniisipan nila ng kung ano-ano, mga delulu (delusional). Mga toxic sa soc med (laugh emoji).”


Sabi naman ng isa pa, “Don’t mind the bashers. We, true fans, know that you and Kath are really good friends ever since. Whatever your relationship is, we’re happy that Kath is always with you.”


Well, totoo namang matagal nang magkaibigan sina Kath at Dominic at matatandaan ngang kasama ang dating aktor sa grupo nila noon with Daniel Padilla na Nguya Squad.


Ka-join din nila rito sina Patrick Sugui, Ria Atayde, Joshua Garcia, Khalil Ramos, Gabbi Garcia, Sofia Andres at Daniel Miranda. Hanggang sa nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sina Dominic Roque at Daniel Padilla, nawala na ang mga ito sa grupo. Up to now ay hindi pa rin speaking terms ang dalawa.



ABUT-ABOT ang kaligayahan ni Dennis Padilla nang makita at makasama niya ulit ang dalawang anak na sina Gavin at Maddie after 4 long years. Anak sila ni Dennis sa dati niyang partner na si Linda Marie Gorton, isang Filipino-Australian.


Naghiwalay sina Linda at Dennis noong 2020 at nagtungo ng Australia ang una kasama ang dalawa nilang anak para roon na manirahan. Since then ay hindi na nakita ng komedyante ang kanilang anak.


Sa recent Instagram (IG) post ni Dennis ay makikitang nagtungo siya sa Sydney para makita’t makasama ang dalawang anak.


Nag-post ang aktor ng picture kasama sina Gavin at Maddie at sey niya sa caption: “After 4 long years... Nayakap ko muli ang aking mga anak. Love you both Gavin and Maddie, saying goodbye was the hardest (heartbroken emoji).”


Sa isang larawan naman niya with Maddie ay madamdamin ang kanyang naging mensahe.


“Dearest Maddie, tagos sa aking puso na muli kang mayakap after 4 long years. God bless you more anak (praying and heart emoji),” saad ni Dennis.


May photo rin sila ni Gavin at mensahe naman niya, “My dearest Gavin Simeon, you grew so fast. The way you talk, move and think. Love you my son, umagos ang aking mga luha ng mayakap kita muli. Apat na taon, salamat sa Diyos.”


Noon pa nababanggit ni Dennis Padilla sa kanyang panayam at maging sa mga IG posts niya na miss na miss na niya sina Gavin at Maddie. Kaya naman marami rin ang sumaya for him sa reunion niya with the kids.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page