DOJ, aminadong hirap sa 'missing sabungeros'

ni Madel Moratillo | March 26, 2023

Aminado ang Department of Justice na hirap ang mga awtoridad sa paghahain ng warrant of arrest laban sa anim na akusado sa mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, pinag-aaralan nilang maghain ng manifestation sa korte patungkol sa mga abogadong ayaw namang isuko ang kanilang kliyente.
Ito ay sa kabila ng mga warrant of arrest na laban sa mga ito.
Paliwanag ng kalihim, kapag ganito ang mangyayari ay lalabas na kuwestyunable na ang kanilang partisipasyon sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
May mga impormasyon patungkol sa kinaroroonan ng mga ipinaaarestong suspek. Ang problema, hindi nila alam kung bago o luma na ang mga ito pagdating sa kanila.
Ayon kay Remulla, 6 na milyong piso ang ibibigay na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikalulutas ng kaso ng mga missing sabungeros.
Sa ngayon, may hawak na aniyang P5 milyon ang DOJ at kinakalap ang karagdagang P1 milyon.





Comments