DOH Sec. Herbosa, ‘wag sanang mag-ala trapo sa pramis na dagdag-sahod at benepisyo sa health workers
- BULGAR

- Jun 15, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 15, 2023
HUWAG SANANG MANGYARI SA PANAHON NI DOH SEC. HERBOSA NA MAGING PRIVATE ANG MGA PUBLIC HOSPITAL -- Para sa mga health Lworkers ay sablay ang pagkakatalaga ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) kay Dr. Teodoro Herbosa bilang kalihim ng Dept. of Health (DOH).
Noon kasing undersecretary pa si Herbosa mula year 2010 hanggang year 2015 ay siya ang nagsulong na isapribado ang Philippine Orthopedic Hospital at Fabella Hospital, na buti na lang nang panahon na ‘yun ay hindi siya pinakinggan ni dating Pres. Noynoy Aquino.
At ngayong siya na ang bossing ng DOH, ay huwag naman sanang mangyari, na sa pamumuno ni Herbosa sa DOH ay maging pribado na ang mga malalaking public hospital sa bansa, period!
XXX
PANGAKONG DAGDAG-SUWELDO AT BENEPISYO SA MGA NURSE HUWAG SANANG MAPAKO -- Naturete si Sec. Herbosa sa napaulat na dahil sa maliit na suweldo ay maraming nurse na ang nag-a-apply magtrabaho bilang nurse sa ibang bansa, kaya’t ang panawagan niya sa mga ito ay huwag nang mangibang-bansa at gagawa raw siya ng paraan para madagdagan ang suweldo at mga benepisyo mga health workers sa ‘Pinas.
Sana totoo ang promise na ‘yan ni Sec. Herbosa, at hindi siya mag-ala trapo (traditional politicians) na ang mga pangako sa publiko sa panahon ng eleksyon, na kapag nanalo na, ang pangako ay napapako, boom!
XXX
LENI ROBREDO IMBES PASALAMATAN, BINASH PA NG MGA LOYALISTS AT DDS VLOGGERS -- Nag-post sa social media si former Vice Pres. Leni Robredo tungkol sa mga paghahandang gagawin ng pinamumunuan niyang "Angat-Buhay Foundation" na may kaugnayan sa relief operations sa mga apektado ng pag-aalburuto ng Mayon Volcano.
Ang hindi kagandahan sa asal ng mga loyalists at DDS (Duterte Diehard Supporters), ay imbes pasalamatan kasi kahit wala na itong katungkulan sa gobyerno ay aktibo pa rin sa serbisyo-publiko, eh binash pa, tsk!
XXX
NAGBAYAD NG SURVEY NG SWS MALAKI ANG GALIT KAY LENI ROBREDO -- Sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) ay masyadong halatadong inilalaglag si dating Vice Pres. Leni Robredo.
Sa survey kasi, inilaglag na si Robredo sa 2028 presidential race, at inilaglag pa sa 2025 senatorial race.
Kung sinuman ang nagpa-commissioned o nagbayad ng survey sa SWS, malaking galit n’yan kay Robredo, period!





Comments