DOH, may bagong paraan ng pag-report sa COVID-19 cases
- BULGAR

- Jul 7, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 7, 2020

Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na may bago itong paraan sa pag-report ng COVID-19 cases simula July 10.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na lilinawin ng DOH ang klasipikasyon ng “fresh” at late” cases.
Ayon kay Vergeire, ilang linggo na nila itong pinaplano at tinitingnan ang lahat ng data. Magbibigay ang DOH ng additional cases na magha-highlight sa active cases imbes na cumulative total.
“Ilalagay naming ang epidemiologic curve para makita ng mga tao kung saan nagmula sa sakit, onset nito at indibidwal na nagpositibo sa virus,” sabi ni Vergeire.





Comments