Dobleng ginto ang Ph Volcanoes sa Asia Rugby Emirates 7's trophy

ni Anthony Servinio @Sports | November 28, 2026

Photo: Dobleng kampeonato ang naabot ng Pilipinas Volcanoes sa pagwalis ng mga Men's at Women's Team sa Asia Rugby Emirates Sevens Trophy sa Taipei. (PHVolcanoes)
Dobleng kampeonato ang naabot ng Pilipinas Volcanoes sa pagwalis ng mga Men's at Women's Team sa Asia Rugby Emirates Sevens Trophy sa Taipei. Dahil dito, aakyat ng antas na ang mga Pinoy sa susunod na Sevens Series sa 2027.
Umulit ang Volcanoes sa host Chinese-Taipei sa finals, 19-14. Noong group stage ay wagi rin sila 28-5.
Tunay ang dominasyon ng mga Pinoy sa ibang mga tagumpay sa Afghanistan, 35-12, at Bangladesh, 41-5. Binugbog nila ang Bangladesh sa semifinals sa mas malupit na 45-0.
Sa Lady Volcanoes, 200-0 ang kanilang puntos sa pagwalis sa torneo na tinuldukan ng "dikit" na 12-0 pagdaig Guam na ibang-iba sa 57-0 resulta sa group stage. Ang iba pang group stage resulta ng Lady Volcanoes ay 43-0 kontra Chinese-Taipei at 38-0 sa Timog Korea upang itakda ang semifinals laban sa Taiwanese na nagtapos sa 50-0.
Lahat ng 12 Pinay ay nakapuntos sa pambihirang pangyayari. Subalit kakaiba ang depensa at walang puntos ang mga kalaro. Natalo nila ang Korea 38-0, Guam 57-0, Taipei 43-0, Chinese Taipei 50-0 at Guam 12-0.





Comments