top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Doble-kamalasan ang inabot ng Gcash users, talo na sa sugal, na-scam pa!

Writer: BULGAR
BULGAR
May 22, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 22, 2023


PARA ‘DI MATALO SA SUGAL AT ‘DI MA-SCAM, I-UNFOLLOW ANG MGA INFLUENCER AT VLOGGER NA NAGPO-PROMOTE NG ONLINE ILLEGAL GAMBLING—Doble-kamalasan ang inabot ng mga netizens na GCash users dahil natalo na sila sa online illegal gambling, na-scam pa sila ng mga kawatan sa social media.


Walang ibang dapat sisihin ang mga netizens sa nangyari sa kanila kundi ‘yung mga idol nilang influencers at vloggers na nanghihikayat na tumaya sa mga online illegal gambling sa pamamagitan ng GCash, at nang malulong sa pagtaya sa walang panalong sugal, madali na silang napaniwala ng mga scammer nang hingin ang kanilang MPIN at one-time password (OTP) sa paniwalang taga-GCash ang mga ito, na kanila namang ibinigay, kaya ang resulta, natalo na sila sa online illegal gambling, na-scam pa ang pera nila sa GCash.


Kaya ang panawagan natin sa mga netizens na GCash users, kung ayaw n’yong mabiktima ng mga online gambling lords at scammers, i-unfollow n’yo na ang mga idol n’yong influencers o vloggers na nagpo-promote ng online illegal gambling sa social media, period!


◘◘◘


MGA INFLUENCERS AT VLOGGERS, KUWARTA NA ANG SINASAMBA—Maraming social media influencers at vloggers ang yumaman dahil sa dami ng netizens na naka-follow sa kanila at nanonood ng kanilang mga content.


Kaya lang, may ilan sa kanila na kuwarta na ang sinasamba. Sa kagustuhan na magkaroon ng maraming pera, nakipagsabwatan pa ang mga ito sa mga online illegal gambling lord para hikayatin ang kanilang followers na tumaya sa mga walang panalong illegal gambling sa social media, tsk!


◘◘◘


MGA INFLUENCERS AT VLOGGERS, IMBES NA MAGPASALAMAT SA KANILANG FOLLOWERS, BINIBIKTIMA PA—Masasabing sagad sa buto ang kasamaan ng ilang influencers o vloggers.


Imbes na magpasalamat sila sa kanilang mga tagahanga na naging dahilan kaya sila yumaman, hinihikayat pa ang kanilang followers na tumaya sa online illegal gambling para mabiktima ng mga gambling lords, mga buset!


◘◘◘


MGA INFLUENCERS AT VLOGGERS NA NAGPO-PROMOTE NG SUGAL, DAPAT KASUHAN AT IKULONG!—Nangako ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Department of Information and Communication Technology (DITC) na pananagutin at sasampahan nila ng kasong kriminal ang mga social influencers at vloggers na nagpo-promote ng illegal gambling sa social media.


Sana, hindi mapako ang promise na ‘yan ng CICC ng DICT, dapat lang talaga na magkaroon ng hustisya ang mga naloko sa pagtaya sa walang panalong sugal na talo na, nabiktima pa ng mga GCash scammer, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page