Divine Lee at asawa, nagpositibo sa COVID-19
- BULGAR

- Jul 17, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh - | July 17, 2020

Inanunsiyo ni Divine Lee sa kaniyang Instagram Story na nagpositibo ito sa COVID-19 pati na rin ang asawa niyang si Blake Go.
Kalaunan ay sinabi rin ng Social Media Influencer na magaling na ito pati na rin ang kaniyang asawa. Sa pagbabahagi ni Divine, sinabi nito na siya ay asymptomatic at kaniyang asawa naman ay nakaranas ng mild symptoms.
Ayon sa kaniyang post noong July 16, “Hi, guys! To those asking - yes, I tested positive and asymptomatic. I'm all good so please don't worry. The kids and yayas are also all good. Blake had mild symptoms (Akala niya from overeating ice cream lang) and is also cleared by doctors.”
Sinabi rin ni Divine na hindi sila lumalabas ng bahay mula pa noong March 14 kaya nasisiguro nito na hindi ito person to person. Kaya naman pinaalalahanan niya ang lahat na mag-ingat sa hinahawakan araw-araw tulad ng pera at grocery.
Maglalabas umano si Divine ng isang vlog para makatulong sa mga tao kung paano maiiwasan ang pagkalat ng virus. Hinihikayat di nito na palakasin ng lahat ang kanilang immune system para malabanan ang virus.
Naglunsad din ito ng Courage Cebu fundraising project na makakapagbigay ng benepisyo sa lahat ng frontliner sa Cebu.
Aniya, "Waiting for clearance so I can donate my plasma. Ito na ang biggest donation ng Courage Cebu.”





Comments