top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Diskarte sa pagba-budget, ubra pa ba sa noche buena?

  • BULGAR
  • Nov 26, 2022
  • 2 min read

ni Ryan Sison - @Boses | November 26, 2022


Tulad ng ibang bilihin, tumaas din ang presyo ng Noche Buena items.


Base sa inilabas na price guide ng Department of Trade and Industry (DTI) noong Miyerkules, tumaas nang hanggang 27% ngayong taon ang presyo ng mga naturang produkto mula sa 10% kumpara noong 2021.


Ang listahan na inilabas ng DTI ay para sa mga mamimili at retailer sa pagbili ng Noche Buena products tulad ng ham, fruit cocktail, queso de bola, spaghetti pasta, elbow macaroni, salad macaroni, spaghetti sauce, tomato sauce at all purpose cream.


Sa 223 variants ng produkto na nasa price guide, 195 ang nakitaan ng pagtaas ng presyo, dalawa ang nagbawas ng presyo, habang ang natitirang walo ay hindi nabago. Idinagdag naman sa listahan ang 18 bagong variant ng produkto.


Sa 195 variants na nagkaroon ng pagtaas, 94 item ang tumaas nang higit sa 10%, 51 naman ang nakitaan ng pagtaas ng presyo nang 6% hanggang 10%, habang 50 ang tumaas nang 1% hanggang 5%.


Samantala, binigyang-diin ng DTI na alinsunod sa Republic Act No. 75181, na inamyendahan ng RA No. 10623, hindi kabilang sa kategorya ng basic necessities ang Noche Buena items.


Samantala, umapela ang DTI sa manufacturers ng Noche Buena products na panatilihin ang presyo ng kanilang mga produkto upang hindi maging masyadong mabigat para sa mga konsyumer.


Habang papalapit ang Pasko, hindi na malaman ng ilan ang kanilang mararamdaman. May mangilan-ngilang excited pa rin, pero mas marami ang nangangamba na walang maihain sa Noche Buena.


Sa presyo palang ng mga pangunahing pangangailangan, pahirapan na ang pagba-budget, paano pa sa panghanda ngayong holiday season?


Batid nating malaki ang itinaas ng presyo ng Noche Buena items, kaya panibagong pagsubok ito para sa marami nating kababayan.


Gayunman, panawagan sa mga negosyante, ‘wag samantalahin ang nagaganap na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Masyado na itong mabigat para sa ating mga kababayan, kaya plis lang, ‘wag na nating dagdagan

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page