top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Disente at ligtas na tirahan sa bawat pamilya

Writer: BULGAR
BULGAR
May 24, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | May 24, 2023


Nangako ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na uunahin ang mga informal settler families (ISFs) na naninirahan sa mga danger zone sa mga housing project ng gobyerno.


Ito ang pahayag ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar matapos ang pagkamatay ng tatlong informal settlers nang bumagsak ang isang puno sa kanilang mga tahanan sa kahabaan ng Estero de Magdalena noong Huwebes, Mayo 18.


Ang trahedyang ay bunsod ng malakas na pag-ulan, na nagdulot din ng pinsala sa ilang informal settlers sa lugar.


Giit ni Acuzar, ang Marcos administration ay gumagawa na ng plano upang saklawin ang lahat ng nakatira sa mga danger zone.


Aniya, kapag ang mga ISFs ay nailipat sa mas ligtas na lugar at ang nalinis ang mga, sa pamamagitan ng ‘Pambansang Pabahay’, ang DHSUD ay magsisimula ng development initiatives.


Gayunman, upang matiyak ang tuluy-tuloy na tulong, tiniyak ng opisyal na bibigyan ng prayoridad na maging benepisyaryo ang mga ISFs na nasa danger zones upang magkaroon sila ng sariling bahay.


Ang DHSUD ay naglalayon na magtayo at magbigay ng isang milyong unit ng pabahay bawat taon hanggang 2028 bilang hakbang upang matugunan ang housing gap sa bansa sa 6.5 milyong units.


Ang programa ay nagtataguyod ng in-city, mixed-use development upang mapakinabangan ang land area at matiyak ang sustainability ng mga komunidad ng pabahay.


Napakagandang programa ito dahil kung makikita natin ang kalagayan ng mga informal settlers sa bansa, masasabi nating hindi ligtas at delikado ang kanilang lugar dahil ang iba ay mga nasa tabing ilog pa.


Nakataya rin ang kanilang kalusugan dahil sa mga basura at maruming kapaligiran na nakapalibot sa kanila. Kaya naman nararapat lang na isama sila sa mga housing projects ng gobyerno dahil malaking tulong na ito para sa kanila.


Magtuluy-tuloy sana ang tulong na ito sa mga kapatid nating informal settlers dahil higit na kailangan nila ang oportunidad na ito.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page