top of page
Search
  • BULGAR

Disaster preparedness, palakasin pa

@Editorial | November 20, 2023


Kasunod ng magnitude 6.8 na pagyanig sa Davao Occidental, tumambad naman ang matinding pinsalang iniwan nito.


Gumuho ang ilang mga gusali, mall, bahay, kalsada at iba pang imprastruktura.


Kaugnay nito, nangako naman ang gobyerno na magbibigay sila ng agarang tulong sa mga apektado ng lindol.


Sanib-puwersa rin ang iba pang ahensya sa pagpapaabot ng tulong sa mga napinsalang lugar.


Sa mga ganitong kalamidad, napakahalagang maramdaman ng mga biktima ang mabilisang pagtugon at kalinga ng ating gobyerno. Sa paraang ito ay nababawasan kahit papaano ang kanilang pangamba kung nakikita nilang may malasakit ang pamahalaan.


Dahil sa lakas ng lindol, napakahalaga rin ang pagsasagawa ng earthquake drills at disaster preparedness dahil walang pinipiling oras ang lindol kaya nararapat lang na paghandaan ito ng taumbayan.


Umaasa tayo na magpapatuloy ang pagbibigay ng tulong sa mga kababayan nating naapektuhan ng lindol upang mas mabilis silang makabangon sa pinsalang idinulot nito.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page