top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dinuru-duro raw siya, mic sa taping, ibinato pa…

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2021
1 min read

KITKAT KAY JANNO: ADIK KA? WALA KANG B*YAG! MAY SALTIK! KAPAL NG MUKHA MO!

ni Nitz Miralles - @Bida | February 25, 2021





Mukhang hindi pa rin nagkakaayos sina Janno Gibbs at Kitkat kahit pinagharap at pinag-usap na sila. Ang feeling ni Janno, patuloy siyang pinaparinggan ni Kitkat, kaya sinagot niya ito sa Instagram. Magsasalita na raw siya sa tunay na nangyari, bagay na ikina-stress na naman ni Kitkat.


Ipinost ni Janno sa kanyang IG Stories ang post ni Kitkat na “Galit na galit pamilya ko! Lalo ang tatay at asawa ko (minura si Janno)! Magharap daw kayo! Kahit kelan, wala kang B&?!#G.


"Buong mundo, suklam na suklam sa 'yo pati sa ginawa mo sa pamilya mo! Ngayon pati AKO at pamilya ko, damay sa saltik mo! 'Di kita mapapatawad!


"Bigla kang pipitik ng duru-duro, pagwawala at pagmumura sa tao at magwawala? Adik ka???! Sabagay, ang lamig-lamig, lagi kang pawis!


"Kung 'di ka G@+O 'yung ginawa mo magagawa mo ba sa asawa mo or pamilya mo? At kalalaki mong tao, manduduro, maghahamon at magmumura ka sa babae? Wala ka talagang B&$@G!


"'Di lang ako, lahat nanliit sa ginawa mo, ikamamatay ko stress ko sa 'yo! Ako 'tong may pinagdadaanan, may sakit, pero ikaw 'tong eksena! Kahit kelan, napaka-unprofessional mo! Bigla-bigla kang pumipitik kahit masaya ang lahat, ilang beses 'yan, pero eto 'di na mapapalampas! Sobra ka na! Tatay at asawa ko, galit na galit, magharap daw kayo! Putulin 'yang maliit mong ano! At bayaran mo mic na ibinato mo! Kapal ng mukha mo! 'Di ka namin mapapatawad.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page