top of page
Search
BULGAR

Dingdong, todo-dasal bilang suporta… NATIONAL ARTIST NOMINATION NI VILMA, PAG-AARALAN PA

ni Ambet Nabus @Let's See | June 30, 2024


Showbiz News
Photo: Dingdong Dantes & Vilma Santos Recto / IG

The obvious officially came out. Sa suportang ipinakita ng mahigit 20+ na organisasyon at institusyon na nag-endorse sa nomination ng AKTOR PH para sa ating Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto bilang Pambansang Alagad ng Sining, wala ngang dudang kasama ang buong bansa (pati mga organized Pinoys abroad) sa award na ito para kay Ate Vi.


Saksi po at bahagi ako ng naging masusing pagdokumento ng mga bagay-bagay na may kaugnayan sa nominasyon, kaya’t sobrang nakakataba ng puso ang ganitong karanasan. 


Sa personal ko pong kapasidad bilang bahagi ng isang core group ay nais kong pasalamatan ang mga institusyong nalapitan ko at nagbigay ng kanilang endorsement letter para sa naturang AKTOR PH nomination headed by Papa Dingdong Dantes.


Nandiyan ang UP College of Mass Communication, Bicol University, Viva Entertainment, MARE-PARE, LADLAD,  MMPRESS, Hon. Cong. Joey Salceda, Hon. Cong Dan Fernandez, Hon. Manila Mayor Honey Lacuña, at ang mga paparating pang iba galing sa Regal Entertainment, Star Cinema, ABS-CBN, GMA-7, Bantayog Film Festival-Camarines Norte, Ako Bicol partylist, at iba pang nakikipag-ugnayan sa inyong lingkod.


Ang ibang mga nagbigay ng kanilang resolusyon-suportang institusyon na kinarir ng ibang mga kasama sa core group ay ang: Philippine Association of State Universities and Colleges, Fashion Designers Association of the Phils., Society of Filipino Archivists for Film, UST Dept. of Communication and Media Studies, Hundred Islands Film Festival, Montanosa Film Festival, Vilma Santos Solid Intl., Association of Millennials for Vilma Santos, Vilma Santos Recto, ang The Star for All Seasons group, Silent Incomparable Legit Vilmanian Intl., Friends Forever Vilmanian, Vilma Santos Friends Forever Inc..


Ang lahat po ng iyan ay ilalabas namin sa opisyal na website ng Vilma Santos for National Artist, kasama na rin ang napakaraming mga messages of support mula sa mga kapwa artistang naniniwala kay Ate Vi.


Nahingan ng inyong lingkod ng tulong sina Gabby Concepcion, Alden Richards, Yorme Isko Moreno, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, kapatid Tirso Cruz at Lyn Cruz, Papa Piolo Pascual, Aga Muhlach, kapatid Arnell Ignacio, Baron Geisler at marami pang iba.


As per the NCCA, after ng June 30 deadline of submission ng nomination, magtatalaga ang NCCA ng research group na non-government at non-partisan na sasala, mag-e-evaluate, magtse-check at magbe-verify sa loob ng six months ng lahat ng mga dokumentong isinumite bilang attachments sa nomination ng walong disciplines na susuriin kasama ang Film, Music, Dance, Architecture, Literature, Visual Arts at iba pa.


Then, may another six months na mangyayari para sa 3 level ng pagsusuri ng mga NCCA Commissioners at members ng board sa bawat kategorya.


At kapag mayroon nang mga napili ang NCCA, saka pa lang ito isusumite sa Pangulo ng bansa, na may kapangyarihan na aprubahan o i-reject/i-deny ang naturang selection ng NCCA sa lahat ng kategorya.


Kaya sagot nga ni Papa Dingdong sa tanong kung ano pa ang gagawin ng AKTOR PH after ng opisyal na nomination, “Patuloy na ipagdarasal at pagsulong ng mga related events sa industriya na may kaugnayan sa isang Vilma Santos.”


There it goes!




0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page