top of page

DINGDONG, NABUNTIS DAW ANG CO-STAR SA SERYE NA SI LINDSAY DE VERA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 23, 2021
  • 2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | January 23, 2021





Magkasunod na nag-number one trending ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa Twitter kahapon. Ang dahilan ay ang pagdawit kay Dingdong na inaakusahang nakabuntis ng ibang babae.


Agad na kumalat sa social media ang tsika na si Dingdong daw ang tinutukoy sa isang blind item na sikat na aktor na nakabuntis sa baguhang artistang babae na nakatrabaho niya sa isang teleserye.


Ang babaeng iniuugnay kay Dingdong ay ang newbie na si Lindsay De Vera na gumanap bilang pamangkin ng Kapuso actor sa serye niyang Alyas Robinhood noong 2017.


Nagsimulang pangalanan sina Dingdong at Lindsay nu'ng mag-post ang isang Andrew Olivar na isang social media personality at kilalang DDS (diehard Duterte supporter).


Nu'ng January 2 hanggang 5 pa raw nagsimulang mag-tweet ng tungkol kay Dingdong si Andrew, but now, burado na ang mga tweets nito sa Twitter.


May stan (stalker fan) account para kay Dingdong at sa pamilya ng aktor, ang @dongdantes, ang nag-post nito sa Twitter, "The rumor began with PEP. They made it clear that it's not Dingdong. But this Andrew Olivar, a friend of M, is producing fake details to contaminate the blind item, & these DDS b/vloggers got a chance to strike Dong inaccurately. People on Twitter are bright enough, think better."


Mabilis namang nabura ang mga ipinost ni Andrew na may kinalaman kay Dingdong. Although, may nakakuha at nakapag-save pa rin na netizens sa ilang posts niya.


Isa rito ay 'yung ipinost ni Andrew na magkatabing solo pictures nina Dingdong at Lindsay. Nakalagay sa caption, wala lang daw 'yun at kasi, nagagandahan lang daw siya pareho kina Dingdong at Lindsay.


Tweet ulit ng @dongdantes, "The mere fact that Andrew Olivar deleted his post/s... it says all! Leave Dingdong and his family alone! :)"


Comment naman ng ibang netizens, sana raw ay masampulan ni Dingdong ang naturang DDS.


"Sana, masampulan siya ni Dingdong Dantes kahit deleted na 'yung post niya, nagkalat na 'yung mga sinabi niya (face with tears of joy) bilis delete ano? Hahahahaha FAKE NEWS PA MORE LELZ."


Later on, majority of the netizens realized na may pagka-politically motivated ang ipinakalat na fake news about Dingdong na nakabuntis ng ibang babae.


Kanino raw ba nagsimula ang tsismis na may nabuntis ang aktor kundi sa isang DDS.


Identified kasi si Dingdong sa grupo ni former President Noynoy Aquino na ang tawag ng mga DDS ay dilawan.


Pangalawa, umpisa na raw ng kampanya para siraan si Dingdong dahil malapit na ang susunod na halalan na magaganap sa 2022.


Maugong kasi ang balita na isa si Dingdong sa mga magiging pambato ng partido nina dating Pres. Noynoy Aquino sa pagka-senador sa next election.


Kaya 'wag magtaka kung may mga susunod pang kung anu-anong isyu against Dingdong.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page