Dingdong, after matsismis sa ibang babae…
- BULGAR

- Feb 16, 2021
- 1 min read
SIGAW NG NETIZEN: MARIAN, TODO-DISPLEY NG KATAWAN PARA IPAKITANG SEXY PA RIN
ni Beth Gelena - @Bulgary Files | February 16, 2021

Nag-post si Marian Rivera ng photo na naka-bikini just to prove na hindi siya buntis.
Aniya sa caption: “Hope you guys are having a sweet day with your loved ones today. Happy Valentine’s.”
Dugtong pa niya, “Ang aking larawan ay kuha ng aking asawa.”
Komento ng mga netizens…
“To downplay rumors of her as pregnant, lol. Good to you, Marian!”
May mga netizens naman na nakapansin na nagsa-sag ang abs ng Kapuso actress at komento nila: “May abs na saggy.”
“Kumakaway-kaway ang abs ni Mrs. Dantes.”
“‘Wag kang ano. Validation ‘yan na hindi s’ya buntis. And praise? Punumpuno s’ya niyan, ‘di n’ya ‘yan kailangan from people like you na naghahanap ng nega sa taong puro positive lang ang nangyayari sa buhay.”
“Ayan, ipinagpipilitan pa rin kasing buntis, inferness, palaban ang pandesal ni Marimar. Sana all talaga.”
May nagsabi naman na idinaan sa Photoshop ang larawan at sey ng netizen, “Photoshopped na nga ang waistline, tabingi pa rin.”
May nagsabi namang kaya ipinakikita ni Marian ang kanyang abs ay para maisip ni Dingdong na sexy pa rin ang kanyang misis at ‘di kapalit-palit.
‘Di ba’t kamakailan lang ay natsismis sa ibang babae si Dingdong?
Anyway, para sa amin, ano naman kung buntis ulit si Marian? Legal siyang magbuntis dahil may asawa naman siya.





Comments