top of page
FRANKLY - ELLEN, UMAMING 1 YR. NANG WALANG SEX-G _maria.elena.adarna.jpg

Dinalaw ni VP Sara... Marcoleta, hindi 'fit' humarap sa trial

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | July 8, 2026



Rodante Marcoleta - FB

Photo: Rodante Marcoleta - FB



Itinuturing na “not fit to stand trial” si Senador Rodante Marcoleta matapos makaranas ng pananakit ng dibdib at leeg kasunod ng kanyang pag-aresto noong Lunes, Hulyo 6, ayon sa Philippine National Police Health Service.


Sinabi ni Police Lt. Col. Benaly Bayani, hepe ng Internal Medicine Department ng PNP Health Service, na nananatiling naka-confine si Marcoleta sa PNP General Hospital at sumasailalim sa iba't ibang laboratory tests para sa masusing pagsusuri ng kanyang kalagayan.


Ayon kay Bayani, hindi pa rin stable ang blood pressure ng 72-anyos na senador, bagama't maituturing na clinically stable ang kanyang kondisyon dahil paminsan-minsan lamang lumalabas ang kanyang mga sintomas.


Sinabi rin ni Bayani na umabot sa 140/90 ang blood pressure ni Marcoleta.

Patuloy na mino-monitor ng mga doktor ang pabagu-bagong blood pressure ng senador at ang kanyang mga nararanasang paninikip ng dibdib habang nananatili siyang naka-confine sa PNP General Hospital.


Nauna nang sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla, na maaaring tumagal ng humigit-kumulang dalawang araw ang mga kinakailangang medical procedure bago maiharap si Marcoleta sa anti-graft court para sa pagbabalik ng warrant at paglalabas ng commitment order kaugnay ng kanyang detensyon.


Samantala, binisita ni VP Sara Duterte si Marcoleta sa PNP General Hospital alas-7:43 ng umaga nitong Martes, Hulyo 7.


Sa ngayon, nananatili si Marcoleta sa ilalim ng mahigpit na obserbasyon habang hinihintay ng mga doktor ang resulta ng kanyang mga pagsusuri at karagdagang medical assessment.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page