top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Dinalaw at binigyan ng regalo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | October 22, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rebecca ng Pasig.

Dear Maestra,


Gusto ko ring magpaanalisa ng panaginip ko sa inyo. Ako ay mahilig sa showbiz at tagahanga ako ng mga artistang sikat sa kasalukuyan. Napanaginipan ko si Marian Rivera at Dingdong Dantes na dinalaw ako rito sa bahay namin at may dalang mga regalo. Tapos binigyan ko sila ng imported wine bilang kapalit ng regalo nila sa akin. Ano ang ibig sabihin nito?


Naghihintay,

Rebecca


Sa iyo, Rebecca,


Hindi maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na dinalaw ka ng mga hinahangaan mong artista na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Ito ay nangangahulugan na ang pinakamimithi mong matupad sa buhay ay hindi mo pa makakamtan. Hindi matutuloy ang mga plano mo dahil sa mali mong diskarte. Dahil dito, makabubuting pag-isipan mong mabuti ang dapat mong gawin at ipatupad. Masusing pag-aaral muna ang kailangan bago mo pasukin ang isang bagay na matagal mo nang gustong gawin.


Gayunman, ang imported wine na ibinigay mo sa kanila ay nagpapahiwatig ng magandang kalusugan, kaligayahan at kasaganaan sa buhay nina Dingdong at Marian.


Mas mabuti sana kung sabay-sabay ninyong ininom ang wine dahil ang ibig sabihin nito, pati ikaw ay magkakaroon ng kaligayahan, kasaganaan at kalusugan ng katawan. Pati na rin ang mga problema mo sa nagdaang araw ay tuluyan nang malulutas. Magdudulot ito sa iyo ng kapayapaan sa isip at kalooban.


Hanggang dito na lang. Maraming salamat sa pagkonsulta ng iyong panaginip.



Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page