top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

DILG Sec. Abalos, 'walang balls' banggain ang mga PNP officials na sangkot sa droga

BULGAR
Jan 7, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 7, 2023


MAS MATAAS PA ANG PRESYO NG PER KILO NG SIBUYAS KAYSA SA ARAWANG SUWELDO NG MGA MANGGAGAWA—Hanggang ngayon ay may mga pamilihan pa rin na nagbebenta ng sibuyas na P720/kl.


Onli in da 'Pinas, na mas mataas pa ang halaga ng per kilo ng sibuyas kaysa sa minimum wage na P570.


◘◘◘


OMBUDSMAN WALA NANG DAPAT IKATAKOT, ISAPUBLIKO NA ANG SALN NI DUTERTE—Bumaba sa Malacañang si Duterte nang hindi nalaman ng mamamayan ang kanyang Statement of Assets and Liabilities.


Ngayong wala na sa poder si Duterte ay wala nang dahilan para matakot ang Office of the Ombudsman, isapubliko na ang SALN ng dating pangulo nang sa gayun ay malaman ng taumbayan kung meron o wala siyang tagong yaman.


◘◘◘


DEMORALISADO NA ANG PNP SA PANAWAGANG RESIGNATION NI SEC. ABALOS—Demoralisado ang buong police organization sa panawagan ni Interior Sec. Benhur Abalos, na magsumite ng resignation ang lahat ng colonels at generals sa Philippine National Police, para ang mga sangkot sa droga ay maalis na sa serbisyo.


Sablay ang pabida ni Abalos, mismong si PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin, na ang nagsabi na wala pang 10 police officials ang sangkot sa illegal drugs, tapos ang gustong mangyari ng DILG sec. ay mag-resign lahat.


Nakaka-demoralize ang panawagan ni Abalos dahil pati ang matitinong police colonels at police generals ay damay sa sablay na diskarte.


◘◘◘


SEC. ABALOS, WALANG POLITICAL WILL VS POLICE OFFICIALS NA SABIT SA DROGA—Ang panawagan ni Interior Sec. Abalos na mag-resign ang mga high ranking officials ng PNP ay pagpapakita na walang "balls" ang political will ang DILG secretary para banggain at parusahan ang mga police officials na sabit sa kalakaran ng illegal drugs sa bansa.


Ang gustong mangyari ni Abalos ay hindi siya, kundi ang mga bumubuo ng panel na sasala sa resignation letter ng mga police officials ang magsisibak sa mga narco colonels at narco generals.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page