top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Digong, todo-banat sa PNP, may ambisyon siguro sa 2025 elections?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | June 19, 2023



OVERACTING NA ATAKE NI EX-P-DUTERTE SA PNP PABIDA LANG SA PUBLIKO PARA SA KANYANG 'FOR SENATOR' SA 2025 ELECTIONS? -- Isang araw matapos ilabas ng Social Weather Stations (SWS) ang survey na isa si ex-P-Duterte sa malakas na kandidato sa pagkasenador sa 2025 elections, ay nagpabida sa publiko ang dating presidente nang sabihin niyang dapat daw mag-resign ang lahat ng pulis sa bansa kasi sa ngayon daw ay ang Philippine National Police (PNP) ang nagsisilbi raw bilang "gatekeeper" o caretaker ng illegal drug trade sa bansa.


Masyadong "overacting" ang atakeng ito ni ex-P-Duterte sa mga pulis, kasi sa totoo lang ay maliit na porsiyento o kakaunti lang naman ang mga pulis-iskalawag sa bansa, ang masaklap nga lang, makapamulitika lang "for senator", sinisira na ng ex-president ang buong organisasyong PNP, tsk!


◘◘◘


HINDI 'LIKE FATHER, LIKE SON' ANG MAG-AMANG CALOOCAN CITY EX-MAYOR AT MAYOR ALONG MALAPITAN -- Noong si Caloocan City Rep. Oca Malapitan pa ang alkalde ng lungsod ay hindi niya pinayagang may mag-operate ng STL (Small-Town Lottery)-con jueteng at lotteng sa kanyang nasasakupan.


Pero nang palitan siya ng kanyang anak na si Mayor Along Malapitan sa pagiging alkalde ng Caloocan City ay parang kabuteng nagsulputan ang mga raket na STL-con jueteng at lotteng sa lungsod.


Kung ganu’n, hindi pala lahat ng mag-ama ay puwedeng sabihang "like father, like son" kasi sa panahon ni Oca Malapitan bilang mayor ng Caloocan City ay walang mga ilegalistang nakapangraket sa lungsod, pero sa panahon ng anak niyang si Along na alkalde ngayon ng lungsod, naglipana ang mga gambling lords, boom!


◘◘◘


KAPAG NALAMAN NI PNP CHIEF GEN. ACORDA NA MARAMING RAKET NA COLOR GAMES AT DROP BALLS SA PANGASINAN, BAKA SIBAK ANG ABUTIN NI PD COL. FANGED -- Sa kabila na may idineklarang "war on illegal gambling" si PNP Chief Gen. Benjamin Acorda, hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang raket na color games at drop balls nina "Akie" sa Malasique, "Jano" sa Bautista, "Mel" sa Urdaneta City, "Conrad" sa Manaoag, "Rene," "Bunso" at "Alvin" sa Binmaley at San Jacinto, pawang sa Pangasinan.


Naku, eh kapag ganyan na walang aksyon si Pangasinan PD Col. Jeff Fanged ay malamang sibak ang abutin niya kay Gen. Acorda, abangan!


◘◘◘


MGA TONGPATS COLLECTOR NA SINA 'ISTANTINO' AT 'JUN PUTI' DAPAT IPA-TOKHANG NI PD COL. FANGED -- May impormasyon na ang nagbigay daw ng permiso sa mga gambling lords na mag-operate sa Pangasinan ay sina alyas "Istantino" at "Jun Puti" na kapwa nagpapakilalang "tongpats collector" ng lalawigan.



Aba’y dapat ipa-tokhang na agad ni Col. Fanged ang dalawang "tongpats collector" na ito, kasi kung hindi, baka isipin ng mga taga-Pangasinan na siya pa ang nasa likod ng raket na "tongpats collection" nina "Istantino" at "Jun Puti," period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page