top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Digong, nag-top sa 2025 Senatoriables, mga anti-Duterte kabahan na!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 3, 2024
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | January 3, 2024


BILHIN MAN LAHAT NG BILOG NA PRUTAS MALABONG SUWERTEHIN ANG PINOY KASI ANG BINIBILUGAN SA BALOTA NG MAJORITY PINOY AY MGA ‘CORRUPT’ NA PULITIKO -- Sa tuwing bago sumapit ang Bagong Taon ay nakaugalian na ng mga Pilipino na bumili ng mga bilog na prutas dahil pampasuwerte raw ito sa buong taon. Ang problem, walang suwerteng dumating dahil pulos kamalasan ang inabot ng mamamayan sa kada buong taon tulad ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at bayarin.

 

Sa totoo lang, kahit bilhin pa ng taumbayan ang lahat ng bilog na mga prutas sa kada bago pumasok ang taon, pero kung sa tuwing may eleksyon naman ay numero ng mga ‘kurakot’ na kandidato ang binibilugan sa balota ay huwag na silang umasang may makakamtan silang suwerte sa buong taon, dahil tiyak kamalasan ang makakamtan ng taumbayan kasi ang ibinoto nila ay mga ‘corrupt’ na trapo (traditional politicians), period!

 

◘◘◘ 


‘MAHUSAY AT TAPAT NA SERBISYO’ RAW PERO MAYROON NAMANG P4.5 B CONFI FUND, P731 B UNPROGRAMMED FUND, P1.4 B TRAVEL FUND AT MAY ISUSUGAL PANG P500 B INVESTMENT FUND -- Marami sa ating kababayan ang “napataas ang kilay” sa isa sa buod ng New Year message ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na kesyo mahusay at tapat na serbisyo ng Marcos administration ang iaalay sa mamamayan para sa buong year 2024.

 

Kung totoo kasi ‘yang “mahusay at tapat” na serbisyo ng Marcos admin ay dapat hindi nakakalulang P4.5 billion ang confidential fund ni P-BBM na gagastahin niya na walang kaakibat na resibo, wala dapat nakasingit na P731 billion “unprogrammed fund” sa 2024 national budget, dapat hindi nakakalulang P1.4 billon ang travel fund ng Presidente at hindi dapat isusugal sa investment ng Marcos admin ang P500 billion pera ng bayan na inilagay sa Maharlika Investment Fund (MIF), boom!

 

◘◘◘ 


‘DI MAN AMININ TIYAK KAKABA-KABA ANG MGA ANTI-DUTERTE POLITICIANS NANG MAG-TOP SI EX-P-DUTERTE SA MGA 2025 SENATORIABLES -- Sa latest survey ng Publicus Asia ay nag-top si ex-P-Duterte sa mga senatoriables sa 2025 election.

 

Hindi man aminin ay tiyak kakaba-kaba ang mga anti-Duterte politicians kasi ang survey na ‘yan ay indikasyon na sure win si ex-P-Duterte sa pagkasenador, at kapag nasa Senado na ay tiyak malilintikan sa dating presidente ang mga kongresistang balimbing, mga cong. na dating pro-Duterte, na ngayon ay mga anti-Duterte na, period!

 

◘◘◘

 

SANA SA SUSUNOD NA STATEMENT PANGALANAN NA NI COMMODORE TARRIELA ANG MGA PULITIKONG UMEEPAL AT TAMEME SA ISYU NG WPS -- Sabi ni Commodore Jay Tarriela, spokesman ng Philippine Coast Guard (PCG) ay tatlo raw ang uri ng mga pulitiko sa Pilipinas, ang una ay mga pulitikong nagpapakitang tapang laban sa pambu-bully ng China sa ‘Pinas sa isyu ng West Philippine Sea (WPS), pangalawa ay mga pulitikong umeepal lang sa isyu ng WPS at pangatlo ay mga pulitikong tameme o walang paki sa isyu ng WPS.

 

Sana, sa susunod na magpalabas ng statement si Commodore Tarriela ay pangalanan na niya kung sino ang mga maeepal at tamemeng mga pulitiko sa isyu ng WPS, boom!

 

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page