top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Digong, bow na lang nang bow kay P-BBM para protektado vs. ICC?

Writer: BULGAR
BULGAR
May 17, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | May 17, 2023


EX-P–DUTERTE, BOW NA LANG NANG BOW KAY P-BBM PARA MAPROTEKSYUNAN SIYA LABAN SA ICC—Sinang-ayunan ni ex-P-Duterte ang sinabi ni Pres. Bongbong Marcos Jr. (P-BBM) na may pang-aabusong naganap sa drug war ng Duterte administration.


Natural na sasang-ayunan ito ni ex-P-Duterte dahil kapag kinontra niya ang statement ni P-BBM, baka mabuwisit sa kanya ang Presidente.


‘Ika nga, sa panahon ngayon na si P-BBM ang namumuno sa ‘Pinas, kailangan talagang mag-bow na lang nang mag-bow si ex-P-Duterte sa mga sasabihin niya para patuloy siyang mabigyan ng proteksyon ng Marcos administration laban sa International Criminal Court (ICC), period!


◘◘◘


SARILI, INILULUSOT NA NI EX-P-DUTERTE AT MGA PULIS ANG SINISISI SA EJK—Kung susuriin ang statement ni ex-P-Duterte, tila gusto nitong ilusot ang kanyang sarili sa naganap na extrajudicial killings (EJK) sa Pilipinas sa panahon ng bloody drug war ng kanyang administrasyon.


Sabi ni ex-P-Duterte, naging marahas ang mga law enforcers sa pagpapatupad ng kampanya niya laban sa droga, kaya maraming Pinoy ang napatay sa war on drugs.


Sa maikling salita, mga pulis na ang inilalaglag ni ex-P-Duterte sa EJK, na kesyo wala raw siyang alam sa mga pagpatay na naganap sa ‘Pinas sa kasagsagan ng drug war ng Duterte administration, boom!

◘◘◘


MAPANIWALA MAN NI EX-P-DUTERTE SI P-BBM NA WALA SIYANG KINALAMAN SA EJK, ANG ICC AY ‘DI NIYA MAPAPANIWALA—Mapaniwala man ni ex-P-Duterte si P-BBM na wala siyang kinalaman sa bloody drug war, tiyak na hindi niya mapapaniwala ang ICC.


Kabilang sa pinanghahawakang ebidensya ng ICC ay ang mga kahambugang statement ni ex-P-Duterte, tulad ng sinabi niyang, “I will kill you” patungkol sa mga tulak at adik, at ang sinabi niya sa mga pulis na, “Kapag walang baril (ang tulak ng shabu at adik), bigyan (taniman) ng baril, at kapag ayaw manlaban, ay palabanin,” kaya noong panahon na ‘yun, ang daming nababalita na nanlaban daw ang mga pusher at mga sugapa sa droga kaya napatay ng pulis.


‘Ika nga, ang mga kahambugang statement ni ex-P-Duterte ang nagpahamak sa kanya, kaya siya nasampahan ng kasong crimes against humanity sa ICC, period!


◘◘◘


MANGYARI KAYA NA SI SEN., EX-PNP CHIEF DELA ROSA ANG IDIIN NI EX-P-DUTERTE SA EJK?—Si Sen. Ronald dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) nang maganap ang bloody drug war.


Dahil mga pulis ang sinisisi ni ex-P-Duterte sa EJK, hindi kaya mangyari na para lang mailusot ni ex-P-Duterte ang kanyang sarili sa kaso, si Dela Rosa ang idiin nito sa ICC na siyang may pakana sa bloody drug war? Abangan!



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page