Dianne, sure na ‘di maghihiwalay sina Rayver at Julie Anne

ni Rensel Sabando - Trainee @Entertainment | February 9, 2024

Happy at suportado ni Dianne Medina ang kanyang bayaw na si Rayver Cruz at si Julie Anne San Jose sa kanilang relasyon sa kabila ng mga isyu na nag- break din ang dalawa.
Sinabi ni Dianne sa interview na mahal ng mga Cruz si Julie Anne.
"I'm very happy for them, and super-happy din ang Cruz family sa kanila. Wala [pang] plans, pero ako, sa sarili ko, kung titingnan ko, confidently I can say, yes, magkakatuluyan sila,” ayon kay Dianne.
Dagdag pa ng asawa ni Rodjun, “Hindi ako sure kung ano ang plans nila. But definitely, if you're gonna ask me, both sina Rodjun and the family, super yes. Love na love nila si Julie, as in."
Ipinagdarasal ni Dianne na magkatuluyan ang dalawa sa kabila ng mga isyu na maghihiwalay din ang JulieVer.
Ayon pa kay Medina, nakatrabaho na niya si Julie at naging kasama niya ito sa church na Our Lady of Annunciation Parish sa Tandang Sora, lector siya samantalang si Julie ay choir du'n.
Hindi na rin maikakaila ng ilang mga fans na matutuloy sa kasalan ang dalawa dahil sa pagkantiyaw ni Rodjun kay Rayver na magpakasal na.
Sa Netflix movie na “The Cheating Game” maaaring mapanood ang dalawa at sa All-Out Sunday every 12NN sa Kapuso Channel.





Comments