'Di raw tinatapatan… MAGIC VOYZ, IDOL ANG SB19
- BULGAR
- Sep 13, 2024
- 2 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | September 13, 2024

Galing pala sa iba't ibang sulok ng 'Pinas ang mga nakuha ng talent manager na si Lito De Guzman para bumuo sa all-male sexy group na sinasabing bagong Masculados, ang Magic Voyz na nasa ilalim ng pangangalaga ng LDG Productions at Viva Records.
Ini-launch na ang bagong grupong ito na binubuo ng pitong miyembro na sina Jhon Mark Marcia, Juan Paulo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones at Johan Shane nu'ng Martes ng gabi sa Viva Café sa Quezon City.
Nagpa-sample ng kanilang talent sa pagsasayaw, pagkaldag at pagkanta ang Magic Voyz na mukhang sinanay talaga nang husto ng LDG Productions para maisabak sa mga shows sa iba't ibang bahagi ng bansa lalo na't malapit na naman ang eleksiyon.
Hindi naman kine-claim ng Magic Voyz na sila ang itatapat sa sikat na ngayong SB19 na nakilala rin sa galing sa pagkanta, pagsasayaw at pagpe-perform. Instead, hirit ng grupo, idol din nila ang SB19 at gustong sundan ang yapak ng mga ito na hinahangaan na ngayon ng mga kabataan.
Sa launching ng Magic Voyz, ipinalabas ang music video ng first single nilang 'Wag Mo Akong Titigan na novelty ang dating at tunog kaya madaling tandaan ang lyrics at kantahin, nakaka-LSS (last song syndrome).
Sa kanilang pito, una nang nag-artista sina Jhon Mark, Juan Paulo Calma at Mhack Morales na nagbida na sa Vivamax.
Sina Jace at Johan naman ay pambato sa kantahan. Takaw-pansin ang dalawa nang kantahin nila ang Maybe This Time.
Sumuporta rin at nag-perform sa naturang launching ng Magic Voyz ang ibang talents ni Lito gaya nina Robb Guinto, Krista Miller, Yda Manzano, Ayah Alfonso at Marian Saint.
Bumisita rin ang ilang Vivamax stars na sina Marco Gomez at Itan Rosales. Namataan din sina Jay Manalo at Marlon Mance.
Sa tanong kay Mother Lito kung bakit Magic Voyz ang napili niyang ipangalan sa all-male sexy group, sagot ng talent manager na nagpasikat din sa Baywalk Bodies, Wonder Gays, Milkmen at Batchmates, “Magic Voyz kasi inpired ang name nila sa Magic Mike.”
At sa tanong kung bakit niya naisip bumuo ng Magic Voyz, aniya, “Nakaka-miss ulit ang mag-manage ng grupo. Sing and dance talaga ang challenge ko sa buhay. Nakikita ko kasi na patok ngayon ang mga boy group. So, naisip ko, bakit hindi ako mag-training ng mga boys na nag-lead na sa mga movies?
“Gusto ko kasi, may patunguhan din ‘yung paghuhubad nila at mai-showcase ang kanilang versatility. Ang packaging, sexy actor pero may talent, marunong kumanta, sumayaw aside from acting,” saad pa ng talent manager.
Bukod sa 'Wag Mo Akong Titigan, ire-release na rin ang kanta nilang Bintana mula sa komposisyon ng miyembrong si Johan.
A strolling magician and walk around magician provide a unique and engaging entertainment experience, captivating audiences in various settings. These skilled performers blend magic with social interaction, effortlessly mingling with guests at events like weddings, corporate gatherings, or street festivals. Unlike traditional stage magicians, they perform close-up magic, allowing spectators to witness astonishing tricks and illusions just inches away. This personal connection enhances the sense of wonder, making each performance memorable. With their charm and ability to adapt to different environments, a strolling magician and walk-around magician can elevate any occasion, leaving audiences enchanted and eager for more.