top of page

'Di raw natatawa sa jokes ng sikat na TikToker…

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 22, 2020
  • 3 min read

MACOY DUBS, SINABIHANG CORNY NI BANAT BY, NAGSALITA NA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | October 22, 2020




Dapat pala ay sa Oh, My Dad sitcom isasama ang kilalang TikToker na si Macoy Dubs pero napagtanto ng production staff na mas bagay siya sa Lunch Out Loud na napapanood sa TV5 mula Lunes hanggang Sabado sa ganap na 12 NN – 2 PM.


Ang kuwento ni Macoy Dubs sa ginanap na Zoom conference, "I was casted po sa Oh, My Dad, originally as Kelly, then, na-realize po ng crew na ililipat ako sa noontime show, kasi pang-noontime show daw po ako. Gusto ko po kasi feeling ko, mas exciting and of course with my personality, parang mas bagay, saka ‘yung interest ko sa hosting, I grab the opportunity to work.”


First TV hosting ni Macoy Dubs ang LOL pero may experience naman na siya sa trabahong ito.


“Nu’ng college po ako nag-start ng hosting, tapos pagka-graduate ko po ng 2013, nagho-hosting ako ng mga wedding at debut,” sabi nito.


At dahil pawang batikan ang makakasama ni Macoy Dubs sa Lunch Out Loud ay natanong siya kung hindi siya na-out of place o natabunan sa unang shoot nila.


“So far po, I’m very, very happy and excited to work with the whole cast every day. Nu’ng una po talaga, sobrang nahihiya ako na hindi ko maipakita ‘yung kakulitan ko. Makulit po kasi ako sa online.


“Pero in person, stiff ako kasi siyempre, kinakapa ko pa and ino-observe ko pa ang mga nangyayari and kahit CommArts graduate ako at may background sa TV production, ngayon lang kasi ako ulit gagawa ng ganito na may camera, may set.


“In terms po with working relationship with co-hosts, it’s been very good and warm. Nu’ng nag-dinner night kami, hindi ko po na-feel na bago ako. Kasi the pakikitungo po has been very warm,” pahayag ni Macoy Dubs.


Sina K Brosas, KC Montero, Jeff Tam at Wacky Kiray ang close niya sa grupo ng LOL.


Samantala, sikat na sikat si Macoy Dubs sa mga millennial kaya lahat ng ginagawa niya sa Tiktok bilang si Auntie Julie ay patok at mayroon siyang 360.5K followers,

559K followers sa Facebook at 323K followers sa Twitter kung saan siya patok bilang content creator.


At dahil sa kasikatan niyang ito ay napansin siya ng kilalang YouTuber na si Banat By na aminadong minsan ay nadadaanan niya ang videos ni Macoy Dubs.


Natanong si Banat By ng followers niya kung ano ang masasabi nito kay Macoy Dubs at diretsong sabi ng una na hindi siya natatawa sa mga jokes nito dahil corny.


Hiningan namin ng reaksiyon si Macoy Dubs dito at nabanggit din namin na puwede niyang balikan ‘yung video kung saan nagsabi si Banat By.


“Actually, ayaw ko pong panoorin ‘yung video (kung saan sinabing corny siya) kasi to be modest po and honest, ganu’n naman po ‘yung mga banat (niya) kaya nga po Banat By ang pangalan niya kasi po babanatan ka niya online.


“I don’t know him personally, we didn’t work with each other and I don’t have any bad remarks kay Banat By kasi hindi ko rin naman siya kilala. But kung hindi siya natatawa sa mga jokes ko, feeling ko, he has the right to say that because may kani-kanya naman tayong taste and preference sa comedy and humor. I respect his statement din, okay lang naman sa akin kasi kani-kanyang preference rin,” magalang na pahayag ng kilalang content creator.

Pero hindi itinanggi ni Macoy Dubs na may mga kaibigan din siyang content creator na nagbibigay ng advice sa kanya.


“I also have other content creators na mga kaibigan kong tunay na nagsasabi na, ‘Minsan, corny ‘yung ganitong content or minsan, trying hard ka dito.’ I take it very professionally, kaibigan ko sila, so that’s the way to improve as content creator.


“Madami-dami rin naman akong nakikita na ever since na mas dumami ‘yung reach natin online and I realize rin naman na you cannot really please everybody,” pag-amin nito.


Alamin kung paano makipagsabayan si Macoy Dubs sa mga kasama niya sa LOL na sina K, Billy Crawford, Wacky, Bayani Agbayani, KC at Alex Gonzaga sa TV5, 12 noon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page