top of page

'Di raw kayang mabuhay nang walang BF… BEA, AMINADONG TODO-BIGAY SA LALAKI 'PAG INLAB

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 11, 2020
  • 2 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | October 11, 2020




Ayon kay Bea Alonzo, kapag nagmahal siya, todo-todo.

Pero, maging siya ay nagtataka dahil ang past relationships niya ay napupunta sa wala. Kung tutuusin, one-man woman naman siya.

Like Zanjoe Marudo, taon din ang itinagal ng relasyon nila na ang akala ng lahat ay mapupunta na nga sa kasalan. Pero nagkahiwalay pa rin sila at napunta sa wala ang kanilang magandang relasyon.

Kay Gerald Anderson naman, ghosting ang nangyari sa aktres. Bigla na lang daw natigil ang kanilang pag-uusap hanggang sa nalaman nga ni Bea na wala na pala sila.

Pero sa pagiging single niya ay natuto raw siyang maging matapang. Na-realize niya na naging survivor siya sa mga na-experience about love.

Aminado si Bea na kapag siya ay nagmahal, hinahayaan niyang umikot ang kanyang mundo sa taong minamahal.

Ibinahagi ng aktres sa vlog ng kaibigang si Enchong Dee na hindi approved sa kanyang ina ang mga past relationships niya.

Sey ng aktres, “Because for years when I was in that position, in that relationship, I was questioning that already. Parang, ‘Am I a weak person? Am I that weak na parang I can’t live without someone?’”

Pero, ngayon ay natuto na siya at masasabi niyang matapang at empowered na niyang harapin ang buhay.

Ibig daw niyang tularan ang kaibigang si Enchong na very independent at nabubuhay nang masaya.

“That’s what I lack… That’s what I’m trying to do, but ewan ko, maybe ganu'n ako, eh. Mas gusto ko ng nagmamahal, mas gusto ko to be in a relationship.”

Sana, sa piling ng rumored boyfriend niyang si Dominic Roque ay natagpuan na ni Bea ang tunay na nagmamahal sa kanya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page