top of page

‘Di porke matagal na kayo ay petiks ka na… Mga paraan para panatilihin ang kilig sa relasyon

  • BULGAR
  • Sep 18, 2022
  • 3 min read

ni Mharose Almirañez | September 18, 2022




Masasabi bang hindi mo na siya mahal kapag hindi ka na kinikilig sa kanya? Iba’t iba man ang paraan ng ating pagmamahal ay mahalaga pa rin kung mame-maintain natin ang pagpapakilig sa ating partner, lalo na’t isa ‘yan sa importanteng paraan upang mapatibay ang relasyon.


Bilang eksperto sa pagpapakilig, narito ang ilang tips upang pakiligin ang iyong pinakamamahal araw-araw:


1. HINDI DAPAT MAWALA ANG ELEMENT OF SURPRISE. Kapag matagal na kayong magkarelasyon, madalas ay mahirap na siyang i-surprise dahil kabisado niya na ang mga galawan mo. Gayunman, love is full of surprises kaya makakaisip at makakaisip ka pa rin ng paraan para surpresahin siya, lalo na’t alam na alam mo na ang kiliti niya.


2. HUWAG KALIMUTAN ANG WORDS OF AFFIRMATION. Purihin mo pa rin ang beauty niya kahit kayo na. Sabihin mo kung gaano siya kaganda/kapogi at huwag na huwag mo kalilimutang mag-I love you sa kanya. Maliit o malaking bagay man ay mag-thank you ka palagi sa kanya. Hindi ka man makapag-update from time-to-time ay sikapin mong ipaalam sa kanya kung nasaan ka o kung anuman ang mga plano mong gawin for the whole day o kaya naman ay mag-catch up kayo sa mga nangyari sa inyong maghapon. Kumustahin mo siya palagi.


3. LIGAWAN PA RIN SIYA KAHIT KAYO NA. Gaanuman ka-busy ang schedule n’yo individually, as a man, dapat ay maglaan ka pa rin ng oras para sunduin siya sa work o school. Huwag mo hayaang umuwi siya nang mag-isa knowing na malakas ang ulan o marami siyang bitbit na gamit. Itrato mo pa rin siyang special. Huwag kang maging kampante na porke kayo na ay magpapaka-easy ka na lamang sa relasyon n’yo. Ligawan mo pa rin siya araw-araw dahil isa ‘yan sa sikreto para tumagal at ma-maintain ang kilig. Ask yourself, paano mo ba siya napa-oo?


4. BALIKAN KUNG PAANO KAYO NAGSIMULA. Masarap sa feeling ‘yung moment na sabay n’yong nire-reminisce kung paano kayo nagkakilala, nagkamabutihan, at naging magkarelasyon. Puwede n’yo ring i-reenact ang first meet and date n’yo. Isa ito sa mga happenings na dapat n’yong i-cherish, lalo na ‘yung time na nagkakahiyaan pa kayo dahil paniguradong abot hanggang tainga ang mga ngiti n’yo kapag ‘yan ang topic.


5. MAG-GIVE AND TAKE. May ibang boys na ayaw nilang pinapagastos ang girlfriend nila dahil nakakawala raw ng pagkalalaki nila, pero hindi dapat ganu’n. For the girls, hindi porke babae kayo ay magte-take advantage na kayo sa pagiging in love sa inyo ng dyowa n’yo. Treat him fair, mag-give ka rin at hindi puro receive o take na lang. To be honest, ang lakas kaya maka-strong independent woman kapag may ambag ka sa date, hindi ‘yung puro ganda lang. Ano ka, palamuti lang d’yan?! Anyway, hindi lamang ito tungkol sa kung sino ang gumagastos sa date kundi pati na rin sa ibang aspeto. Dapat ay pareho kayong mag-effort sa relasyon, hindi ‘yung isa lang.


6. MANATILI SA TABI NIYA. Ikaw ang unang tao na dapat makaalam sa tuwing may bumabagabag sa kanya o mayroon siyang good news. Magsilbi kang ‘one call away’ sa bawat ganap sa buhay niya. Nakakawalang-gana kasi ang relasyon kapag palagi kang out of reach o kapag palagi kang missing in action sa tuwing kailangan ka niya. So please, beshie, always be in touch. Okie?


Ngayong alam mo na kung paano pakikiligin ang iyong partner, sana ay manatiling strong ang inyong relasyon despite of all the challenges. Mawala man ang kilig kalaunan, sana ay piliin n’yo pa rin ang isa’t isa.


Tandaang ang pakikipagrelasyon ay hindi lamang puro kilig. ‘Yung tipong, porke ‘di ka na kinikilig sa kanya ay hihiwalayan mo na siya agad. You should be matured when it comes to relationship. Hindi ka naman na siguro teenager para magpadala lamang sa sparks, ‘di ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page