'Di pa raw bilyonaryo 'yan, ha? ROSMAR TAN, PROUD NA NAGBAYAD NG P30 MILYONG TAX, MAY 30 LUPAIN, 10 RESORTS AT MANSIYON
- BULGAR

- Aug 14, 2024
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 14, 2024

Ibang klase rin pala ang sikat na content creator at skin care products CEO na si Rosmar Tan-Pamulaklakin, dahil 'yung pamba-bash sa kanya, ginagawa raw niyang inspirasyon para mas makatulong pa sa mga tao.
Kinukuwestiyon daw kasi ng mga bashers ni Rosmar ang madalas niyang pagkain ng lechon sa kanyang mga live. Kesyo pagpe-flex lang daw ito at pagyayabang.
Kaya ang ginawa ng content creator, nagpa-feeding program sa Happy Land, Tondo last Sunday ng 2 giant lechon at namigay din ng iba pang groceries para makapag-share at matikman din daw ng iba.
This Saturday, sa mga biktima naman daw ng sunog sa Balut, Tondo pupunta si Rosmar para mamigay ng tulong.
Kinantiyawan namin si Rosmar sa Zoom interview namin sa kanya na bilyonaryo na talaga siya kaya barya na lang sa kanya ang mamigay ng P1 milyon tulad kay Diwata na kapwa niya vlogger at mga tulong sa iba't ibang lugar.
Pero natatawang pagtanggi nito, hindi pa raw siya bilyonaryo dahil kung malaki man ang kinikita niya, malaking bahagi rin daw nu'n ay napupunta sa mga charity projects niya.
Although, umamin naman agad si Rosmar na may 30 land titles na raw siyang nabili kung saan 10 dito ay resorts, at meron din siyang R Mansion sa Tagaytay na one-stop shop dahil may salon, resto, at kung anu-ano pang negosyo.
Proud niya ring inamin at hindi raw siya natatakot sa BIR na i-declare lahat ng properties niya dahil nagbabayad siya nang tama.
Pinakamalaki raw na binayaran niya sa BIR ay P30 M nu'ng year 2022 at dahil nga sa pagiging honest niya, naging BIR ambassador pa raw siya.
Biniro rin namin siya na baka siya na ang next Manny Villar at natatawang kuwento ni Rosmar, "Cynthia Villar" nga raw ang tawag sa kanya ng mister dahil kapag nakakita siya ng for sale na lupa, kumikinang-kinang ang mata niya para bilhin ito.
Samantala, inamin din ni Rosmar Tan-Pamulaklakin na maraming nag-aalok sa kanya na tumakbo sa pulitika pero dahil sa kanyang family at pagiging CEO ng kanyang skin care products, wala siyang maibigay na time para maging public servant.
Kaya ang parang 'giving back' na lang niya sa lahat ng blessings niya ay 'yung mga charity projects niya.
Naging emosyonal pa nga ito dahil pagod na raw ang kanyang katawan sa katatrabaho para may maibigay ding tulong sa iba, pero minsan, ungrateful pa raw ang ibang tao na instead magpasalamat, inookray pa ang mga ipinamimigay niya.
Gayunpaman, mas gusto pa rin daw niyang tumulong at ang latest nga, namigay din siya ng mga ambulance at patrol sa Tondo para may magamit in case of emergency.
Bongga!
"WE'RE getting to know each other. We're dating," ang diretsong pagkumpirma ni Jericho Rosales sa namamagitan sa kanila ngayon ni Janine Gutierrez.
Lately nga kasi ay madalas na spotted sina Echo at Janine na magkasama at nagba-bonding.
Una ay namataan silang papasok sa sinehan at pangalawa ay sa museum naman.
Tama lang ang ginawa ni Echo na hindi na nagpatumpik-tumpik pa dahil una, pareho naman silang single ngayon ni Janine, at pangalawa, hindi na sila mga bagets na magka-love team para um-emote ng "We're just friends," 'no?!
At mas bagay naman talaga si Janine para kay Echo kesa si Kathryn Bernardo na unang isini-ship sa aktor.
By the way, just a few days ago, umingay din ang balitang ipinakilala na ni Paulo Avelino si Kim Chiu sa kanyang anak kay LJ Reyes na si Aki.
So, at least, kung may Kim na si Paulo, may Echo naman si Janine.
Everybody happy, devah?!




Comments