top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Di naman daw nagmamadali… DANIEL, ATRAS NA MAG-LIVE-IN SILA NI KATHRYN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2021
1 min read

ni Beth Gelena - @Bulgary Files | January 15, 2021




Hindi agree si Daniel Padilla sa live-in relationship para sa kanila ni Kathryn Bernardo.


"Papakasal muna kami," sabi ni DJ.


May nagtanong kasi sa aktor kung pabor ba siyang mag-live-in muna sila ng girlfriend na si Kath.


Nagulat si Daniel sa tanong, "Whoa! Hahaha! Hindi pa siguro. Hindi pa kami handa magsama sa isang bahay."


Ani Daniel, "Papakasal muna kami, saka kami magsasama sa isang bahay.


"Dahil si Kathryn, nandu'n pa 'yung [kapatid niya na] si Lexine, 'di ba? Bata pa si Lexine. Siya ang ate nu'n. Binabantayan niya 'yun.


"Ako naman, nandiyan pa 'yung mga kapatid kong babae. Binabantayan ko pa rin."


Habang tumatagal ay lumalalim ang relasyon nina DJ at Kath. Sa siyam na taon nilang magkarelasyon, masasabing kilala na nila nang husto ang isa’t isa.


Sabi nga ng aktor, siguradung-sigurado na siyang si Kathryn ang babaeng kanyang pakakasalan at makakasama habambuhay. At maging si Kathryn ay ganu'n din naman.


Sabi ng aktres sa isang panayam, "If you ask me if he's the one, I think, yes, he's the one. Hindi ko ma-imagine ang future ko na wala si DJ."


Pero hindi raw sila nagmamadali pagdating sa paglagay sa tahimik.


Sabi ng aktor, "Hindi namin puwedeng biglain ang mga sarili namin. Nakaplano 'yan, eh."


Sabi ni Kath, dati raw, ang mga tanong sa kanila ni DJ ay kung kailan sila aamin.


"Ngayon, marriage na. Chill muna tayo," lahad ni Kathryn.


Pareho raw silang naniniwalang ang marriage ay "lifetime commitment" na hindi basta-basta na lang pinagdedesisyunan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page