top of page
Search
  • BULGAR

'Di nakatiis, nagsalita na… ANGEL, PINALAGAN ANG PAGTAKBO RAW NIYANG SENADOR SA LIBERAL PARTY

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 30, 2020




Nagbigay ng babala si Angel Locsin kahapon sa kanyang Twitter account tungkol sa fake news na ikinakalat ng mga kritiko niya sa social media.


Ipinost ng isang female netizen — na nakatakip ang kalahati ng mukha sa profile picture na nakalagay sa kanyang Instagram account — ang larawan ng diumano'y video sa isang vlog sa YouTube na may titulong "Formal ng Nagpahayag na Tumakbo bilang Senador sa ilalim ng LP coalition."


Title pa lang ay pagdududahan na agad na peke ang vlog na 'to at wala naman talagang ganitong vlog na naka-upload sa YouTube.


At ang caption pa ng netizen sa kanyang IG post ay ganito: "Viral guys Angel Locsin sa fb pati mga fans nya todo post… karapat-dapat daw ang PEKENG ANGEL na maging senador at tama ang nabubuang n'yang pag-iisip (with laughing emojis)."


Ini-retweet ni Angel ang IG post ng netizen at sa kanyang caption ay nagbigay siya ng warning sa mga makakabasa ng naturang IG post.


"Mag-ingat sa mga maling propaganda. Sino ang gumagawa at bakit may effort gawin ito? Woman shrugging mag-ingat at 'wag magpaloko (folded hands)," caption ni Angel sa kanyang tweet.


Dagsa naman ang nag-reply sa tweet ni Angel at kinondena ang pagkakalat ng fake news ng ibang netizens.


Ang ibang supporters ni Angel ay pinayuhan siya na idemanda ang naturang netizen, habang ang ilan sa mga Twitter followers ng aktres ay binlock nu'ng sinubukang i-follow ang IG account ng female netizen na nag-post ng fake news.


Sa sunud-sunod na reklamong isinampa ng ilang celebs dahil sa cyber bullying at iba pang katulad nito, baka maengganyo si Angel na mag-join na rin sa "bandwagon."


And speaking of Angel, binati naman siya ng kanyang mga fans for being the most followed Kapamilya celebrity on Facebook.


"Congratulations, Angel! Continue sharing your platform to promote the greater good and being the voice for the voiceless. That’s why you’re deeply loved by so many. Here’s to the 18M followers all over the world," pagbati ng teamangelph sa Kapamilya actress.


Wow!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page