'Di nagtatago, pero 'di rin umaamin…

BEA AT DOMINIC, NAGPAKASAYA SA BAGUIO, PHOTOS AT VIDEOS, KUMALAT!
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | December 30, 2020

May kasabihang: "A picture paints a thousand words."
Hindi man nag-post sina Bea Alonzo at Dominic Roque ng litrato nilang magkasama habang namamasyal sa Baguio, hindi naman sila nakaligtas sa mga mata ng ilang netizens na kumuha ng photo at video nila habang namamasyal sa City of Pines nitong nakaraang weekend.
In fairness, hindi rin naman nila itinago nang husto ang pamamasyal nila roon.
Sa nasabing video at mga ipinost na photos, masasabing may katotohanan ang Bea Alonzo at Dominic Roque rumored romance dahil sa ka-sweet-ang bahagi ng mga larawan ng dalawang Kapamilya stars.
At dahil public figure sina Bea at Dominic, hindi nakaligtas sa mga avid followers nila ang isang video kung saa'y naki-jam si Bea sa isang resto bar na isa sa mga kilalang hangout places sa Baguio habang kumakanta ang aktres ng Waiting In Vain sa saliw ng isang live band.
Sa nasabing video, makikitang lumapit si Dominic mula sa 'di kalayuan para kunan si Bea ng litrato o video bago bumalik sa kanyang puwesto.
Bukod pa sa nasabing restobar, namataan din sila sa isa pang café sa upper Session Road ng Baguio. Kasama ang grupo, makikita ang kanilang group photo na kuha nang sila ay maglaro ng bowling sa Baguio Country Club.
May ilang pruweba na makakapagpatunay na ang dalawa nga'y nag-date sa Baguio gaya ng red nail polish ni Bea na makikita sa ibang Instagram Stories ni Dominic habang nasa Baguio kung saa'y may nakuhanang isang kamay na nagsasalin ng drinks sa isang baso.
Tugma 'yun sa red nail polish ni Bea na makikita sa vlogs ng aktres noong December 12 at 19.
Buking man ang dalawa sa social media, wala pa ring pag-amin o pagtanggi mula sa panig nina Bea at Dominic.





Comments