'Di na raw umaasang magsusuot ng wedding dress… GRETCHEN, PROUD NA 30 YRS. NANG KABIT NI TONY BOY
- BULGAR

- Sep 11, 2024
- 2 min read
ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | September 11, 2024

Matagal nang tinanggap ni Gretchen Barretto ang katotohanan na kailanman ay hindi siya mapapakasalan ni Tony Boy Cojuangco at hindi niya mararanasan ang magsuot ng wedding dress. Mananatili siyang kabit o mistress sa paningin ng lahat.
Pero kailanman ay hindi nakaapekto sa kanyang pagkatao ang pagiging mistress. Ang mahalaga ay minahal at tinanggap siya nang buo ni Tony Boy at naging maligaya sila sa loob ng 30 taon.
Biniyayaan sila ng isang anak, si Dominique, na ngayon ay happily married na rin.
Naging mabuting partner si Tony Boy kay Gretchen, kaya nagkaroon ito ng kaalaman sa negosyo at lumawak ang kanyang karanasan sa maraming bagay. Nabuo ang kanyang self-confidence.
At kung mistress man ang tingin ng marami kay Gretchen, hindi niya ito ikinahihiya. Alam niya kung saan siya lulugar at alam niya ang kanyang karapatan.
Sa abot ng kanyang kakayahan, tumutulong siya sa mga nangangailangan. Malaki ang pasasalamat ng maliliit na manggagawa sa movie industry kay Gretchen dahil noong panahon ng COVID pandemic ay namigay siya ng ayuda sa mga nawalan ng trabaho. At hindi nila iyon malilimutan.
Milyonarya (or baka bilyonarya pa) man ngayon si Greta, hindi naman siya matapobre.
Carlos, todo-pasarap kasama si Chloe,
dedma na…
PAMILYA YULO, INUULAN NG TULONG MULA SA IBANG TAO

DUMARAMI ang mga nakikisimpatya ngayon sa mga magulang at kapatid ni Carlos Yulo, lalo na’t nakita ng lahat ang tunay na kalagayan ng pamilya ng two-time gold medalist ng Paris Olympics.
Sa kabila ng pambabalewala sa kanila ni Carlos, hindi nila kinaawaan ang kanilang sarili. Ipinagpatuloy nila ang pagsisikap sa buhay upang kumita.
Si Nanay Angelica ay may negosyong garlic longganisa na mabenta ngayon. Bukod dito, nagagawa pa rin niyang mag-live selling ng mga pre-loved branded t-shirts.
Dahil dito, marami ang humanga sa sipag at tatag ng pamilya Yulo. Kaya marami ang nagpaabot ng tulong-pinansiyal sa kanila.
Bilang pasasalamat ng pamilya Yulo sa dumarating na biyaya sa kanila, nagpapa-feeding program sila sa mga bata sa kanilang lugar. Ibinabahagi nila sa kanilang mga kapitbahay at kabarangay ang mga natatanggap nilang ayuda mula sa mga taong nakikisimpatya sa kanila.
Bagama't nagpapasasa sina Carlos at Chloe San Jose sa milyones na kinita sa Olympics at tinalikuran ang kanilang pamilya, marami namang nagmamahal at tumutulong sa kanyang mga magulang at kapatid.
MARAMING fans ni Rhian Ramos ang nagtatanong kung bakit hindi siya binibigyan ng GMA-7 ng magandang project upang mag-level-up ang kanyang pagiging aktres.
Magaling namang artista si Rhian at kahit anong role ay kayang-kaya niyang gampanan.
At kung sa ganda naman, hindi pahuhuli si Rhian Ramos sa ibang Kapuso stars. Pang-bida ang porma niya. Magaling din siyang makisama sa kanyang mga co-stars at maging sa production staff.
Kung tutuusin, puwedeng makipagsabayan sa aktingan si Rhian kina Carla Abellana, Jennylyn Mercado, Max Collins, atbp. Kapuso stars na nalilinya sa drama.
Kaya nakakapanghinayang kung hindi niya magagamit to the fullest ang kanyang talento sa pag-arte.
Ready na rin si Rhian sa mas mature role. Hopefully, mabigyan siya ng serye na mag-aangat ng kanyang acting career.








Comments