top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

‘Di na kailangan ng alalay ng gobyerno… 800, 000 4Ps beneficiaries, tanggal na sa listahan

BULGAR
Jan 17, 2023
1 min read

ni Ryan Sison @Boses | Enero 17, 2023


Aabot sa 800,000 benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang aalisin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang listahan.


Ayon kay DSWD officer-in-charge Undersecretary Edu Punay, ang orihinal na 1.3 milyong benepisaryo ay muling isinailalim ng ahensya sa validation dahil ang naturang numero ay “outdated” at hindi naisaalang-alang ang impact ng COVID-19 pandemic.


Matapos ang revalidation, natukoy nilang may 500,000 pang benepisaryo ang mahihirap at eligible sa programa.


Gayunman, tiniyak ng opisyal na ang mga matatanggal o ga-graduate sa 4Ps ay makakasama sa kanilang Sustainable Livelihood Program (SLP). Sa ilalim ng SLP, magkakaloob ang ahensya ng P15,000 livelihood assistance upang makapagsimula ng negosyo at mapagkukunan nila ng pangkabuhayan.


Kung tutuusin, malaking bilang pa rin ng mga benepisaryo ang naka-graduate sa programa. Magandang balita ito dahil ibig sabihin, mas kaya na nilang mamuhay nang walang alalay ng gobyerno. Kumbaga, bahagya na silang nakaahon sa kahirapan.


Panawagan naman natin sa mga kinauukulan, tiyaking karapat-dapat sa programa ang mga pamilyang natira sa listahan. Dapat nating masiguradong napakikinabangan ng tunay na mahihirap ang pondo na inilaan ng gobyerno sa naturang programa.


Dahil may mawawala sa programa, batid nating may kapalit na mga benepisaryo.


Matatandaang, higit 2 milyon ang nasa waitlist ng 4Ps at iba pang programa ng ahensya, kaya pakiusap natin sa DSWD, isailalim sa masusing pagsusuri ang mga ipapasok sa listahan ng 4Ps. Huwag nating kalimutan ang layunin nitong magbigay-alalay sa mahihirap na pamilyang Pilipino.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page