Search
  • BULGAR

‘Di makatanggi sa crush kahit ginagawang pampalipas-oras

Dear Roma Amor - @Life & Style | September 24, 2020




Dear Roma,


Ako si Micah, 19 years old. May crush ako na 25-anyos, pero hindi niya alam ang feelings ko for him. Nasa Australia siya ngayon at doon naabutan ng lockdown. Madalas kaming nagkaka-chat ngayong quarantine.


May mga times na pakiramdam ko ay may pagtingin din siya sa akin, pero minsan naman ay feeling ko wala at parang past time lang ako. Sa tuwing nararamdaman kong parang pampalipas-oras lang ako, I always decide na ‘wag na siyang i-chat or huwag nang reply-an ang messages niya. But maybe because I'm marupok, I can't...


Roma, help me naman, oh. Ano ba ang gagawin ko? How can I stop being marupok? –Micah


Micah,


Una, kailangan mong malaman kung ano talaga ang estado ng relasyon n’yo. Mahirap kasing mag-assume dahil nakakagulo lang ito ng isipan.


Kung pakiramdam mong hindi ka niya pinahahalagahan, ikaw na ang unang umalis dahil hindi mo deserve ang ganu’ng klase ng tao. Know your worth dahil kung tutuusin, bata ka pa at marami ka pang makikilala kaya ‘wag kang matakot mag-let go ng mga taong hindi worth it. Kaya mo ‘yan. Good luck!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.