top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di lang villa nina Vice at Ion ang nasira... KASAL NI JHONG SA BALESIN, BINAGYO

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 16, 2020
  • 1 min read

Julie Bonifacio - @Winner | November 16, 2020




Tiyak na katakut-takot na kantiyaw ang aabutin ni Vice Ganda at partner na si Ion Perez sa pagbabalik nila sa noontime show ng ABS-CBN sa A2Z Channel 11 (free TV) and 15 (TV Plus) na It’s Showtime ngayong Lunes, 12 PM.


Naging malaking balita kasi ang sinapit nila sa island ng Balesin nu’ng kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.


Dalawang beses kasi silang nasiraan ng villa na tinuluyan sa sikat at mamahaling resort sa bansa.


At ngayon ay na-reveal na ang tunay na dahilan kung bakit nasa Balesin sina Vice at Ion. Doon pala ginanap ang wedding ng isa pang host ng It’s Showtime at Makati City Councilor na si Jhong Hilario sa long-time partner niyang si Maia Leviste Azores.


Sikreto raw pala ang wedding ni Jhong kaya pamilya at ilang malalapit na kaibigan lang daw ang imbitado.


Ayon sa report, November 12 (Huwebes) ang date ng wedding nila. Dumating naman ang Bagyong Ulyssess nang 1 AM nu'ng November 11 (Miyerkules).


At gaya nina Vice at Ion, “kalbaryo” rin ang inabot ni Jhong nu’ng masira ang villa na tinuluyan nila sa resort.


At least, natuloy din ang kasal ni Jhong sa kabila ng sinapit nila sa Balesin.


Anyway, congrats!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page