ni Beth Gelena @Bulgary| August 30, 2024
Hindilang pala si Gerald Santos ang biktima ng pang-aabuso mula sa kamay ng sinasabi niyang musical director kundi meron pang iba.
Isa na namang video ang ibinahagi ng singer-actor sa kanyang YouTube (YT) vlog, kung saan may iba pang mga biktima ang musical director na kanya nang pinangalanan nang siya ay nasa Senate hearing.
During the Senate hearing on August 27, ini-reveal ni Gerald ang identity ng umano’y nang-abuso sa kanya nu’ng 15 years old siya.
Aniya sa kanyang post, pagkatapos niyang pangalanan ang alleged abuser, he felt a certain ease in his being.
Sa uploaded video sa kanyang YT channel, pagkatapos niyang sabihin ang pangalan ng musical director na si Danny Tan sa Senado, marami raw siyang natanggap na messages mula sa iba pang alleged victims ng musical director. Napag-alaman pa niyang ang iba sa mga ito ay mas bata pa sa kanya nang sila ay maabuso.
“Grabe po, grabe ‘to. Kaya po siguro langit na po ang gumawa ng paraan para mapanagot o mapatigil ang ginagawang kasamaan nitong taong ‘to,” pakli ni Gerald.
Pero, wala raw siya sa posisyon para magsalita sa ibang nabiktima.
Aniya, “It is their choice if they will also speak about what happened to them.”
Ibinahagi rin ng singer-actor na in-offer-an siya ni Senator Jinggoy Estrada ng protection at legal assistance para sa kanyang kaligtasan.
Wala pang inilalabas na statement si Danny Tan hinggil sa akusasyon sa kanya.
Nakakadiri raw ang kasagwaan…
KYLINE, TODO-KANDONG KAY KOBE, PERO AYAW UMAMING MAGDYOWA NA
USAP-USAPAN pa rin ang viral video nina Kyline Alcantara at Kobe Paras kung saan nakakandong ang Kapuso actress sa anak ni Benjie Paras habang nagbi-videoke sila sa isang inuman.
Well, nainterbyu ang Kapuso actress hinggil sa real score nila ni Kobe. Aniya, wala siyang masabing exact words.
Sey ni Kyline, “What you see is what you get.”
Wala mang kumpirmasyon na officially mag-on na sila, ang masasabi lang daw niya ay very supportive si Kobe sa kanyang mga ginagawa.
Aniya, “As long as alam po ng pamilya ko at mga kaibigan ko, eh, ‘yun na po ‘yun. Wala po talaga akong masabi na exact words, eh.”
Pero may mga netizens na hindi nagustuhan ang viral video nina Kyline at Kobe, habang todo-tanggol naman ang iba sa rumored couple.
Sey ng isa, “Ang nakita ko ay indecency, shamelessness.”
Pagtatanggol naman ng isang netizen, “‘Pag inggit, pikit. Let them enjoy, chaka (panget) ka siguro kaya ganyan ka. Hehehe!”
Pero pagkontra uli ng isa pa, “Lahat na lang talaga, inggit? Nakakadiri ang kasagwaan ng standards n’yo, gaya ng idol n’yo.”
“Uhhh, is it normal to show affection? ‘Wag tayong ipokrita, Beh.”
“Luh, ano'ng masama sa ginagawa nila? Kung in a relationship naman sila, OA ka masyado.”
“I-imagine n’yo nu’ng ganyang edad kayo at nakakandong sa mga dyowa n’yo, tapos makikita kayo ng magulang n’yo, masasabi n’yo pa rin ba ‘yang ‘inggit pikit’? Indecent naman talaga.”
“I wonder why they just don’t admit that they are casually dating? People already see the both of them being very physically close with each other.”
“Ganu’n talaga, showbiz nga, eh. As if naman ngayon lang nangyari ‘yang pa-‘what you see is what you get’ or ‘we’re just friends’ ng mga artista. ‘Di naman nila itinatago at lantaran naman na silang lumalabas, so ‘yun na ‘yun, ‘di ba. Sabi nga... alam na this!”
“What you see is ka-cheap-an and no self-respect. - Not a Tita, not a Boomer.”
“Bibilangan ko lang ng 2 months ‘yan, char!”
“19 kopong-kopong pa ‘yang phrase na ‘yan. Bakit ba hindi na lang sumagot ng straight, tutal naman ‘di sila conservative? Ang weird lang nu’ng liberated ang actions mo, pero hindi mo naman kayang sumagot nang straight.”
“‘Wag pakasiguro, Ineng! He’s a player.”
“Mas nakakabuwisit ‘yung kumandong na pero ‘di pa rin makasagot nang diretso kung sila na ba talaga.”
Comentários