top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Di lang ang singsing ang ginastusan ng P5 M…PRENUP MUSIC VIDEO NINA LUIS AT JESSY, SUPER-BONGGA RIN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 26, 2021
2 min read

Julie Bonifacio - @Winner | January 26, 2021





Tuloy na tuloy na ang kasalang Luis Manzano at Jessy Mendiola ngayong 2021. Naka-upload na ang kanilang prenup music video sa YouTube channel ni Jessy.


As of this writing, umabot na agad sa 160 thousand plus ang views ng kanilang prenup music video sa loob lamang ng isang araw.


Gaya ng nauna na naming naisulat, kinunan ang prenup music video ng controversial couple sa napakaganda at super exclusive resort sa Amanpulo, Palawan.


Sa description section ng YT channel ni Jessy, nakadetalye ang mga kasama nilang nag-shoot ng music video sa Amanpulo.


Una na ang glam team ng mag-"How-How" (terms of endearment nina Luis at Jessy sa isa't isa). Tatlo ang stylists nila na sina Patty Yap, Jay Sarmiento and Rex Atienza. Plus, may tatlo pa sila sa glam team na for hair and makeup, habang ang kanilang mga designers ay sina Patricia Santos at Paulo Lazaro.


In fairness, ang gaganda ng mga suot nina Luis at Jessy sa video from casual, beach wear, swimwear at hanggang sa gown and suit ni Manzano ay pak na pak!


Halatang mamahalin at swak na swak din ang color combination ng kanilang mga damit, akmang-akma sa weather at sa napaka-romantic na white sands and clear blue sea.


Lakas-makadagdag sa kilig at romance ng video ang napili nilang music, ang Baby I Love Your Way na version ng HRVY.


Perfect, kundi man almost, ang pagsama-sama ng music, venue, outfit at siyempre, kina Luis at Jessy ng kanilang prenup music video.


At siyempre, ang isa sa mga pangabog ng kanilang prenup music video ay ang almost P5M worth na engagement ring ni Jessy kung saan ang Manila Diamond Studio ang in-acknowledge nila na gumawa.


Sa huli ay may mensahe pa si Jessy na mag-post ng comments ang mga netizens.

"Live life. Love life," ang patalinghaga pang sabi ni Jessy.


In fairness, ang gaganda rin ng comments ng mga netizens sa prenup music video nina Luis at Jessy. Kaya naman, labis ang pasasalamat ng mga malapit nang ikasal.


"It's so beautifully done, encapsulating the true love that exists in and protects your relationship which has been attacked in all sides from the get-go. CONGRATZ from Toronto, Canada!"


"Kilig! And the song! Congrats Luis and Jessy!"


"Congrats! Deserve ni Jessy lahat ng ito. Ito na kapalit lahat ng panlalait sa kanya. Happy ako sa 'yo."


"I'm loving the vibes here. The location is stunning. Definitely befitting the bride and groom."


So, kung almost P5 M ang engagement ring, magkano naman kaya sa palagay n'yo inabot ang gastos para sa prenup music video nina Luis at Jessy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page