‘Di ka-compatible ang bf, dapat nang hiwalayan dahil sure na makakahanap pa ng iba
ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | November 30, 2023
Dear Maestro,
May boyfriend ako sa ngayon. Ang problema medyo magulo ang aming relasyon, lagi kaming nag-aaway. Mahal ko naman siya, kaso kung lagi na lang kaming ganito, paano naman kami liligaya?
Tama ba ang naiisip kong makipag-break na lang sa kanya at maghanap na lang ng bagong boyfriend? Kung maghahanap ako ng bagong boyfriend sino naman ang mga ka-compatible ko?
Ang birthday ko ay December 3, 2000 habang September 19, 1999 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Kayrie Niyugan, Jaen, Nueva Ecija
Dear Kayrie,
Tama ang iniisip mo, kung hindi ka na masaya sa relasyon n’yo dahil lagi kayong nag-aaway, bakit ka naman magtitiis at magpapakamartir? Samantalang marami namang lalaki r’yan na puwedeng ipalit sa kanya.
Dagdag dito, ikaw din naman ang dapat magpasya, at tama lang na makipaghiwalay ka na sa boyfriend mo dahil hindi mo naman talaga siya ka-compatible, lalo na pagdating sa inyong zodiac sign. Ang zodiac sign mong Sagittarius ay nagtataglay ng elementong fire o apoy, habang ang kanyang zodiac sign na Virgo ay may elementong earth o lupa.
Ang pagsasama ng “lupa at apoy” ay sadya ngang hindi compatible at hindi rin naman talaga tugma para sa isa’t isa.
Gayundin sa Numerology, ang birth date mong 3 ay hindi rin suweto sa birth date na 19 o 1 (1+9=10/ 1+0=1) ng boyfriend mo, kaya kung magtitiis ka sa kasalukuyan n’yong relasyon, tila sa bandang huli ay wala rin itong patutunguhang maganda.
Para lumigaya ka sa susunod na pakikipagrelasyon, humanap ka ng mga lalaking may zodiac sign na Leo, Aries o kaya’y kapwa mo Sagittarius na may birth date na 9, 18, 27, 6, 15, 24, 3, 12, 21 at 30, sa nasabing mga lalaki ka liligaya.
Ayon sa iyong Love Calendar, Kayrie, kung makikipag-break ka na sa kasalukuyan mong boyfriend, walang duda, abot pa sa darating na Kapaskuhan, ang isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aries na may kayumangging kulay ng balat, maskulado ang pangangatawan ang iyong magiging nobyo na ang nasabing relasyon ay nakatakdang mauwi sa isang maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.




Comments