top of page

‘Di confident mag-sleeveless? We got you!... Iba’t ibang paraan para pumuti ang kilikili

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2021
  • 2 min read

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 1, 2021


ree


Say no to maitim na kilikili!


Knows n’yo ba na puwedeng mapaputi ang kilikili nang safe at sa mas murang halaga? Truly, sa tulong ng DIY remedy o natural na proseso ay maaaring mapaputi o mas mapaganda pa ang ating armpit!


Para goodbye na sa maitim na underarm, narito ang ilan sa mga puwede nating gamitin o gawin:

  1. APPLE CIDER VINEGAR. Para sa mixture, kailangan ng 2 teaspoons ng apple cider vinegar at 2 teaspoons ng baking soda. Paghaluin lamang ang mga ito hanggang sa bumula saka i-apply ang mixture sa kilikili at hayaan itong matuyo. Pagkatapos ng 10 hanggang 15 minuto ay banlawan ito gamit ang malamig na tubig. Maaaring ulitin ang proseso ng tatlong beses kada linggo. Ang apple cider vinegar ay nagtataglay ng mild acids na nakatatanggal ng dead skin cells at disinfectant din ito.

  2. PATATAS. Magkaskas lamang ng patatas at pigain ito hanggang sa magkaroon ng juice saka direkta itong i-apply sa kilikili. Ibabad ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto saka banlawan. Maaari itong gawin at ulitin nang dalawang beses sa isang araw hanggang sa makita ang magandang resulta. Ang patatas ay natural bleach at anti-irritant. Isa pa, instant remedy din ito sa pamamantal at pangangati.

  3. OLIVE OIL. Paghaluin lamang ang 2 tablespoons ng virgin olive oil at 2-3 tablespoons ng brown sugar para sa mixture. Ilagay ang mixture sa kilikili saka ibabad ng limang minuto. I-massage ito habang natutuyo saka banlawan gamit ang maligamgam na tubig. Para sa mas epektib na resulta, gawin ito ng dalawang beses sa isang linggo. Ang olive oil ay mayaman sa antioxidants na siyang nagha-hydrate at nagpapaganda sa balat. Samantala, ang brown sugar naman ay epektib na exfoliant.

  4. CALAMANSI. Maghiwa lamang ng ilang piraso saka ipahid ang mismong calamansi sa kilikili nang 2-3 minutes. Hayaan ito ng hanggang 10 minutes bago banlawan. Gawin ito regularly o 3-4 times kada linggo. Ang calamansi ay nagtataglay ng mataas na konsentrasyon ng citric acid, na natural na exfoliant at bleach. Pero mag-ingat sa paggamit dahil maaari nitong masunog o masira ang balat kapag mali ang paggamit kaya hindi ito advisable kapag may sensitive skin.

  5. TURMERIC. Kailangan lamang ng 1 teaspoon ng turmeric powder, 1 tablespoon ng gatas at 1 teaspoon ng honey. Paghalu-haluin ang mga ito hanggang sa maging paste saka i-apply sa kilikili. Ibabad ito sa loob ng 10 hanggang 12 minuto saka banlawan. Ulitin ito nang dalawang beses sa isang linggo. Ang turmeric ay natural na nakakaputi ng balat, habang ang gatas naman ay mayroong lactic acid na oks sa proseso ng pagpapaputi ng kilikili. Samantala, ang honey naman ay soothing agent.

‘Ika nga, hindi mahal ang magpaganda. Basta matiyaga lang ay sure na maa-achieve ang skin na gusto natin. Kaya naman, try lang muna kung epektib! Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page