top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

‘Di bet ang mga manliligaw, makikilala si “The One” ngayong 2021

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 19, 2021
1 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| February 19, 2021



Dear Maestro,


Magte-31 years old na ako sa March 16, pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong nagiging boyfriend. Gusto kong malaman kung kailan ako magkaka-boyfriend at sino kaya ang magiging first boyfriend ko, gayundin, saan ko siya makikilala?


Sa ngayon, may mga nanliligaw naman sa akin, pero wala akong gusto sa kanila. Sana ay matulungan n’yo akong magka-boyfriend ngayong 2021.


Umaasa,

Ole ng San Jose, Ternate, Cavite


Dear Ole,


Ayon sa zodiac sign mong Pisces, sa birth date na 16 o 7 (1+6=7) sa destiny number na 2 (3+16+1990=2009/ 20+09=29/ 2+9=11/ 1+12), kung magte-31 ka na ngayong 2021, posibleng sa panahong ito ka na nga magkaka-nobyo. Sapagkat ang panahong ito ng iyong buhay ay very significant year mo, kumbaga, sa edad mong 31, sa buwan ng Hunyo o Hulyo, habang pumapatak-patak ang mahinang ulan sa kapaligiran, kasabay nito, kusang darating ang isang lalaking isinilang sa buwan ng Oktubre o Nobyembre, kung saan mabubuo ang masaya at romantikong suyuan na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na ring pagmamahalan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page