BBM, naninira sa 'kin — Sara... Castro: Wala nang masisira sa 'yo

ni Mylene Alfonso @News | October 7, 2026

Photo: Atty. Claire Castro at VP Sara Duterte - PCO-OVP
Inakusahan ni Vice President Sara Duterte ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa likod umano ng paninira laban sa kanya kasunod ng mga alegasyon ni dismissed policeman Rodulfo Gracioso Jr.
“Administrasyon. Sino ang nasa likod ng paninira sa akin? Administrasyon. Ang Palasyo, si BBM,” ani Duterte, na mariing itinanggi ang mga alegasyon.
Itinanggi naman ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro ang paratang.
“Wala nang masisira kay VP Sara, nasa katawan niya na ’yan,” ani Castro, sabay giit na makikita umano sa bank records ang mga pondong sinasabing natanggap ng kampo ng Bise Presidente.
Patuloy na nililitis sa Senado ang impeachment case laban kay Duterte.





Comments