top of page

Desisyon sa minimum wage hikes, ilalabas bago ang Mayo – DOLE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 19, 2022
  • 1 min read

ni Lolet Abania | March 19, 2022


ree

Inaasahan ng Department of Labor and Employment (DOLE) na makapaglalabas ng desisyon hinggil sa petisyon para itaas ang minimum wages sa buong bansa bago sumapit ang Mayo.


“Kumikilos na ang mga regional wage board… Nagbigay na tayo ng gabay sa kanila at may utos na rin si Secretary [Silvestre] Bello na pabilisin ang proseso,” sabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay sa isang interview ngayong Sabado.


“Bago ang Mayo, malalaman na ang desisyon kaugnay sa wage increase petitions,” saad pa ni Tutay.


Ang alyansa ng mga labor unions na Unity for Wage Increase Now! ay nagsagawa na ng rally sa opisina ng National Capital Region Wage Board (NCRWB) para isulong ang pag-apruba ng kanilang petisyon na P750 minimum wage.


Umapela na rin ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na P470 dagdag sa sahod sa tinataag na daily minimum wage sa National Capital Region (NCR) para maging P1,007 na ito.


Una nang sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III na inatasan na niya ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) sa buong bansa upang i-review ang minimum wages ng mga manggagawa.


Ayon kay Bello, ang kasalukuyang P537 daily minimum wage sa NCR ay hindi na sapat sa isang empleyado at kanilang pamilya para sa mga pangunahing pangangailangan gaya ng pagkain, electricity, at water bills.


Sinuportahan naman ng Malacañang ang naging pahayag na ito ni Bello.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page