Ang Pilipinas ngayon ay nasa ilalim ng de facto martial law — Leviste
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Info @News | January 27, 2026

Photo: Leandro Legarda Leviste - FB
Ibinulgar ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste na nasa ilalim umano ng “de facto martial law” ang Pilipinas, bagama’t hindi aniya deklarado ay ramdam ng mga Pilipino.
Marami rin aniya na pinipiling manahimik dahil sa takot, lalo na’t napapansin umano na ang mga kritiko ang mas madalas na sinasampahan ng kaso, habang ang mga kaalyado ay hindi nagagalaw.
“Dahil dito, ang ibang mga batas ay inaaprubahan nang walang debate, at may mga bilyun-bilyong pisong mga budget na hindi kinukwestiyon, kasama dito ang mga pambayad para sa ibang media at social media personalities, at mga troll farms na nagpapalaganap ng fake news at umaatake sa mga kritiko ng administrasyon,” ani Leviste.
Sa huli, sinabi ni Leviste na naniniwala siya na ang mga nagsasalita ngayon ay magtatagumpay din laban sa korupsiyon habang ang mga nananahimik ay maituturing aniyang kasabwat sa nangyayaring katiwalian sa bansa.








Comments