top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

DEREK, SUPORTADO NG PAMILYA SA HIWALAYAN KAY ANDREA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 1, 2020
  • 1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | December 1, 2020




Tulad ni Andrea Torres, tahimik na rin ang mundo ng Kapuso actor na si Derek Ramsay. Tinantanan na siya ng mga bashers na nakikisimpatya kay Andrea.


Tinanggap na rin ng publiko na hindi talaga sila nakatakda para sa isa't isa, kaya nauwi sa paghihiwalay ang kanilang isang taon na relasyon.


Ang tanging post ni Derek na nabasa namin ay ang kanyang pasasalamat sa kanyang mom and dad at mga kapatid na nagbigay ng suporta sa kanya sa mga kaganapang nangyari sa paghihiwalay nila ni Andrea.


Well, tanging pamilya ni Derek ang makakaunawa sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Andrea Torres. Mahirap nga namang ipilit ang isang bagay kung hindi talaga nakatakdang mangyari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page