Derek, pinakasalan kahit playboy daw... "IT'S A TIE" - ELLEN
- BULGAR
- Apr 27, 2023
- 3 min read
ni Janiz Navida @Showbiz Special | April 27, 2023

Kinantiyawan namin ang sexy petite mom na si Ellen Adarna na from being an actress, isa na rin pala siyang businesswoman ngayon dahil ang akala namin, isa siya sa mga investors ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center.
Pero paglilinaw ng seksing misis ni Derek Ramsay, isa lang siya sa mga ambassadors ng Shinagawa Diagnostic and Preventive Care Center na kahapon ay nagkaroon ng inauguration at ribbon cutting sa 23rd Floor ng Ore Central Tower sa BGC, The Fort.
Kuwento kasi ni Ellen, seven years ago ay nagpa-lasik (laser eye surgery) siya sa Shinagawa dahil sobrang taas na ng grado ng mata niya.
Maganda raw ang naging resulta dahil nang magpa-checkup uli siya last year ng kanyang mata, hindi na tumaas ang grado niya at malinaw na malinaw na ang paningin niya ngayon.
Kaya naman nang kunin siyang endorser ng Shinagawa president na si Ms. Masako Uemori, game na game si Ellen dahil tested and trusted na nga niya ang kumpanya.
At ganu'n din naman ang sinabi ni Sanya Lopez na dumating din sa ribbon cutting, nagpa-lasik din pala siya ng mata kaya super-linaw na raw ng eyesight niya ngayon.
Anyway, going back to Ellen Adarna, ininterbyu namin siya after ng ribbon cutting at tuwang-tuwa kami dahil walang Hawi Boys (charot!) at game na game niyang sinagot lahat ng tanong kaya ang smooth ng chikahan at happy lang lahat.
Sinabi nga niyang mapili na siya ngayon sa pagtanggap ng offers lalo na kung movie o teleserye dahil ang priority niya ay ang masayang family nila ni Derek Ramsay at siyempre, wino-workout na raw nila ang pagkakaroon ng sariling baby.
Kaya, sa mga endorsements na lang muna natin makikita si Ellen at hindi muna siya aarte dahil nakakaubos nga naman ng oras ang paggawa ng teleserye o movie.
Dahil ngayon lang uli namin siya nakita at nakatsikahan mula nang magkaroon sila ng relasyon ni Derek hanggang magpakasal, tinanong namin si Ellen sa tanong ng marami kung ano ba talaga ang nagustuhan sa kanya ni Derek kung bakit siya ang agad-agad pinakasalan nito.
Of course, kami, may feeling na kami kung ano ang nagustuhan sa kanya ni Derek at bakit sila nagswak, pero siyempre, mas magandang sa kanya o kay Derek pa rin manggaling ang sagot, 'di ba?
Sagot ni Ellen, "Ewan ko. Siguro, sinasabi 'yung pagka-b*tch ko raw," na sinundan niya ng tawa. "But I don't know. I think we just really met at the right time. 'Coz I think if we met when I was younger and he was younger, I don't think it will work."
Ano naman ang nakita niya kay Derek for her to say that he's the right one?
"Wala akong doubts, wala akong questions, walang confusion and nakikita ko 'yung dynamics niya with his family, and the values are very, alam mo, parang magkapareho, so hindi na mahirap.
"And of course, nakikita ko how he is with Elias, so parang no question, ito na nga. Guwapo na, tapos maayos pa, ano pa bang hihilingin ko, mahal pa 'yung anak ko," dagdag niya.
Pero 'di ba, may reputation si Derek sa showbiz na 'playboy'?
"Ako din naman, may reputation, so it's a tie, 'di ba?" natatawa na lang niyang sabi.
Oh, ayan, ha, nasagot na ni Ellen ang tanong ng marami kung bakit swak sila ni Derek at siya ang nagwagi! Siya raw ang nagwagi, oh!
Anyway, natanong din namin kung ano ba'ng gustong maging anak nina Ellen at Derek at aniya, girl ang gusto niya at boy naman si Derek.
Pero nang sabihin naming twins na lang, pumalag si Ellen at aniya, ayaw niya dahil mahirap daw magbuntis.
Ay, may point naman! Sa nipis ng katawan niya, ang hirap nga namang dalawang bata ang dala-dala mo sa sinapupunan mo.





Comments