Delivery rider, tiklo sa rape

ni Maeng Santos @News | October 16, 2026

Photo: File
Isang delivery rider na wanted sa kasong sexual assault ang timbog sa manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City.
Sa ulat ng tanggapan ni NPD Director P/BGen. Benliner Capili, ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang operation laban sa 26-anyos na akusado na kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person ng Caloocan CPS.
Alas-10:10 ng gabi nang tuluyang masukol ng mga operatiba ng Caloocan Police Warrant and Subpoena Section of Caloocan City Police Station (CCPS) ang akusado sa Barangay 178, Camarin ng lungsod.
Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Rape by Sexual Assault na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 129, Caloocan City, noong October 12, 2026, na may inirekomendang piyansa na P120,000.





Comments