top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Del Mundo at Espedido nagpagalingan sa U.S.

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Eddie M. Paez Jr. @Sports | July 12, 2026



Jimmy Alapag - NLEX Road Warriors

Photo: Sampung taong gulang pa lamang, opisyal nang kinoronahan ang Pilipinong golf phenom na si Kamilla G. Del Mundo (kanan) bilang double world champion matapos makuha ang dalawang prestihiyosong internasyonal na titulo habang si Mavis Espedido ay USWING Mojing Jr. World Champion 9-19 girls division. (natlgolfassociationfbpix) 




Kumislap nang husto ang mga pambatong golfers ng Pilipinas na sumabak sa magkakahiwalay na mga paligsahan sa Estados Unidos, Asya at Europa sa nakalipas na mga araw.


Ipinoste nina Kamilla Del Mundo (1st) at Mavis Espedido (2nd) ang isang mabangis na 1-2 na resulta para sa bansa sa hanay ng batang babaeng may edad na 9-10 taon nang  magwakas ang Junior World Championships sa San Diego, California. Tumersera rin sa kompetisyon si Zach Guico sa Boys 7-8 years old bracket.


Samantala, nakihati naman si Sean Ramos sa runner-up honors ng Asian Development Tour (ADT): Ever Glory Open sa Dong Hua Elite Golf Club ng Taiwan. Nagwakas ang 54-hole na paligsahan na may tatlong katao sa unahan ng pulutong: Nathan Han (USA), Minhyeok Yang (Korea) at ang Pinoy parbuster na si Ramos. Isang birdie sa playoff ang nagbigay kay Han ng kampeonato. Hindi ito nasabayan nina Yang at Ramos.


Sa Ireland, nagpakita naman si Rianne Mikhaella Malixi ng solidong mga hataw sa Arnold Palmer Cup sa County Kerry, Ireland upang tulungan ang International Team na magwagi kontra sa mga pambato ng Estados Unidos. Sa "Mixed Four Ball," "Foursomes" at "Singles" nangibabaw ang dalagita sa greens ng Tralee Golf Links. Gitgitan ang naging engkuwentro at naitala ang naging pinal na iskor: 30.5 - 29.5.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page